PHL TEAM SA SEMIS: AZKALS, INDONS 0-0

SISIPA ang Philippine Azkals sa semifinal ng AFF Suzuki Cup. Ito’y makaraan ang goalless draw kontra Indonesia, Linggo ng gabi sa Gelora Bung Karno Stadium sa Jakarta.

Dahil tinalo ng Thailand ang Singapore, 3-0 sa kasabay na laro, naumentuhan nito ang Azkals na tumapos sa group stage sa second spot na may eight points.

Bunga nito, talsik ang Singapore (6 points), habang nanguna sa grupo ang Thailand na may 10 points.

Makakasagupa ng Azkals ang Group A winner Vietnam sa Disyembre 2 sa Panaad Stadium sa Bacolod.

Naging mapisikal ang laro.

Katunayan, si Azkals’ skipper Phil Younghusband ay nasugatan sa ulo at agad na dinala sa pagamutan.

May tsansa sanang makaiskor ang Indonesia sa second half, pero nabigo ito bunga ng mahusay na de-pensa ng Philippine team.

Habang sa 87th minute ay dumating naman ang [agkakataon ng Azkals nang ang kick ni Manny Otts ay magawang mai-save ni goal keeper Andritany Ardhiyasa.

 

6

Related posts

Leave a Comment