RIDING IN TANDEM, LAGOT NA

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Blang na ang araw ng mga kriminal na riding in tandem.

Ito’y dahil hindi na makakapag-motorsiklo ang mga ito na walang nakakabit na malaking plaka sa kanilang sasakyan oras na aprubahan sa ikatlo at nhuling pagbasa ang House Bill 8419 o “Motorcycle Crime Prevention Act of 2017” na nag-oobliga sa mga motorsiklo gumamit ng malaking plakakumpara sa mga ginagamit nila ngayon na halos hindi makita dahil sa kaliitan.

Ginawa ng Kongreso ang nasabing panukala kasunod ng kaliwa’t kanang krimen na kinasasangkutan ng mga riding in tandem, tulad ng pagpatay, snatching at kung ano-anong uri ng kriminalidad.

Hanggang ngayon ay uso pa ang riding in tandem subalit nahihirapan ang mga otori-dad na habulin ang mga ito dahil hindi nababase ang kanilang plaka dahil sa kaliitan nito.

Eto umano ang nagpapalakas ng loob ng mga kriminal kaya palalakihan na ang plaka ng lahat ng mga motorsikl upang kapag nagamit ito sa krimen ay madali silang matukoy.

Naniniwala ang mga mambabatas na makakatulong ang malaking plaka sa mga motorsiklo para tumigil na ang mga kriminal sa kanilang  karumal-dumal na gawain at maprotektahan ang buhay at ari-arian ng mamamayan.

Sa nasabing panukala, hindi papayagan ang mga riders na gamitin ang kanilang motorsiklo na walang malaking plate number sa likuran ng kanilang sasakyan, pagmumultahin ang sinumang mahuhuling hindi gumagamit ng malaki plaka mula P5,000hanggang P20,000 at iimpound ang kanilang sasakyan.

Makukulong naman ng 6 na taon hanggang 12 at may multa mula P50,000 hanggang P100,000 ang mga mamemeke ng plaka ng mga motorsiklo.

Nagbababa din agad ang mga mambabatas sa mga law enforcers ng Land Transportation Office (LTO) na siyang magpapatupad ng nasabing batas na paparusahan ang mga ito kapag hindi nila  isinurender o kaya ginagamit ng mga ito ang mga motorsiklo na kanilang inimpound.

22

Related posts

Leave a Comment