INAKALA ng marami na 3-0 na ang serye pabor sa Magnolia matapos ang ikatlong nila ng Alaska Linggo ng gabi para sa PBA Governor’s Cup, pero hindi nangyari.
Sa halip, humabol ang Alaska at tinambakan pa ang Magnolia.
Resulta: 2-1 ang best-of-seven series ng PBA Governors’ Cup.
Ang pagkatalo ng Magnolia ang siya nang pinaka-masagwang finals loss nito sa kasaysayan sa iskor na 71-100.
Pero, para kay Magnolia coach Chito Victolero, tila nakatulong ang pagbubunganga ni Alaska mentor Alex Compton hinggil sa officiating sa Game Two, kaya halos lahat ng pito sa Game three ay pumabor umano sa Aces.
Nanawagan si Victolero na maging ‘consistent’ ang tawag o pagpito ng mga reperi sa nalalabi pang laro sa serye.
“The referees are not calling on our side and the referees are calling on their side,” himutok ni Victolero.
Para naman kay Alaska coach Compton, gumana at naging epektibo ang kanilang depensa sa Game Three.
Si Mike Harris ang kumamada nang todo sa Alaska, partikular sa third quarter kung saan tatlong sunod na tres ang pinakawalan nito na nagpalobo sa lamang ng Aces (70-49).
Nakagawa si Harris ng double-double – 36 points at 18 rebounds.
Ang kanya namang counterpart na si Romero Travis ay nag-ambag ng 18 points, three rebounds at three assists para sa Magnolia.
Sa Miyerkoles ang Game Four.
Ang iskor:
Alaska (100) – Harris 36, Manuel 14, Enciso 12, Cruz 10, Banchero 6, Pascual 4, Teng 4, Galliguez 4, Casio 4, Baclao 2, Andrada 2, Racal 2, Magat 0, Exciminiano 0, Potts 0.
Magnolia (71) – Travis 18, Barroca 13, Herndon 7, Sangalang 7, Mendoza 6, Dela Rosa 5, Abundo 4, Reavis 3, Melton 2, Lee 2, Jalalon 2, Ramos 0, Simon 0, Gamalinda 0, Pascual 0, Brondial 0.
Quarters: 15-22; 50-36; 83-50; 100-71.
157