IBIBIGAY ang lahat para sa bayan.
Ito ang tiniyak ni Filipina jin Pauline Lopez sa kanyang pagbabalik sa dating weight category upang masiguro ang gold medal finish sa ihohost ng bansa na 2019 Southeast Asian Games.
Nanalo si Lopez ng ginto sa under-57 kg division sa 2015 SEA Games sa Singapore, ngunit nang umakyat siya sa 62kg noong 2017 edition sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nagkasya na lang siya sa bronze medal.
Ito ang dahilan kaya’t nagdesisyon siya na bumalik sa normal weight class niya na 57kg, ayon kay Lopez, bronze medalist din sa Asian Games sa Jakarta noong nakaraang taon.
Iginiit pa niya, “all or nothing for the gold” ang target niya kaya naman ibibigay na niya ang lahat, “blood, sweat, and tears, and everything” para matupad ang misyon niya sa biennial meet na gaganapin sa Nobyembre 30-Disyembre 11.
Pangalawang pagkakataon na ni Lopez na lalaban sa home soil. Una siyang sumabak sa 2016 Asian Taekwondo Championships kung saan nanalo siya ng ginto sa 57kg class.
“I remember how it felt,” aniya. “Stepping on the podium with everyone watching, cheering… You can hear everyone, it’s inspiring.”
Kaya naman excited na ang Pinay jin na lumaban muli sa harap ng mga kababayan niya lalo’t manonood ang kanyang mga magulang.
“My parents, they’re going to be out here watching me for the first time in 10 years. So, I’m excited,” pag-amin ni Lopez.
426