WALANG tulak-kabigin kaya dalawa ang Philippine Sportswriters Association (PSA) Athlete of the Month — gymnast Carlos Edriel “Caloy” Yulo at pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena.
Ang Japan-based na si Yulo ay panalo ng tatlong gintong medalya sa vault, parallel bars at floor exercise sa 9th Asian Artistic Gymnastics Championships sa Doha, Qatar.
Mayroon din siyang pilak sa all-around, sapat para makakuha siya ng tiket sa World Artistic Gymnastics na nakatakda sa Liverpool, England sa huling linggo ng Oktubre hanggang unang bahagi ng Nobyembre.
Habang ang Italy-based na si Obiena ay wagi sa Taby Stavhoppsgala sa
Sweden at bronze medalist sa katatapos lang na World Athletics Championships sa Eugene, Oregon kung saan nagtala siya ng bagong Asean pole record na 5.94 meters.
Back-to back gold medalist din si Obiena, habang multiple golds si Yulo sa 31st Southeast Asian Games sa nakalipas na Hanoi, Vietnam. (ANN ENCARNACION)
90