SUNS TINUSTA ANG NUGGETS, 102-93

SUNS VS NUGGETS

TINUSTA ng Phoenix Suns, sa pangunguna ni Kelly Oubre Jr, ang laban sa Denver Nuggets sa iskor na 102-93, Sabado ng gabi (oras sa Amerika).

Nakapagtala ng 26 points at 11 rebounds si Oubre sa laban habang nag-ambag si Deandre Ayton ng 23 points at 13 rebounds para igupo ang Nuggets.

Kinapos naman sa arangkada sina Nikola Jokic na may 21 points at 10 rebounds habang si Malik Beasley naman ay mayroong 20 points para palamigin ang Suns.

Tinambakan na ng Phoenix ang Denver sa first quarter pa lang ng laro.

Napanatili nila ang alab hanggang sa fourth quarter ng laban kung saan pitong puntos ang pinakamaliit nilang lamang kontra sa Nuggets.

12

Related posts

Leave a Comment