MRT-3 MULING NAGKAABERYA

MRT-15

(Ni FRANCIS ATALIA)

MULI na namang nakaproblema ang motor ng Metro Rail Transit (MRT-3) dahil sa electrical failure dakong 2:34 ng hapon.

Aabot sa 350 pasahero na galing sa northbound ang pinababa sa Ortias station batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr).

Matatandaan, kaninang umaga ay nagkaroon din ng electrical failure ang MRT-3 sa southbound train sa Kamuning Station kung saan 75 pasahero ang pinababa.

Naialis naman agad ang sirang tren at naisakay sa sumunod na tren ang mga apektadong pasahero makalipas ang ilang minuto.

Nagsagawa na ng preventive maintenance ang ahensya at inayos ang nagkaaberyang tren.

9

Related posts

Leave a Comment