TEAM PILIPINAS RERESBAK SA JORDAN

(Ni FEL DE LEON)  

Asahan ang resbak ng Philippine national basketball team sa kanilang ikalawang tune-up match kontra Jordan national squad mamayang gabi na parte ng build-up ng Pinoy dribblers sa darating na FIBA World Cup Asian qualifier schedules nito.

Talo ang PilIpinas sa Jordan, 98-92 kung saan anim na players ng Jordanian squad ang umiskor ng double figures sa pangunguna ng game-high 24 points ni streak shooter Zaid Abbas sa laro na ginanap Lunes ng gabi sa Meralco Gym.

Hindi umubra ang 21 points ni Christian Standhardinger kahit na may suporta ito na 14 points buhat kay Marcio Lassiter at 13 markers ng nagbabalik na si Jayson Castro sa kanilang asam na makuha ang panalo.

Sa kabila nito ay tiwala si head coach Yeng Guiao na mas magandang performance ang kanilang ilalaro sa rematch kontra Jordan mamaya sa Meralco Gym.

“Siguro sa susunod dapat manalo na tayo pero kung matalo man tayo mga 5 points na lang,” Ani Guiao na may halong pabiro.

“Pero seriously, I think we did not play that well today but we kept ourselves in the game and medyo ang tingin ko maganda nilaro nila,” dagdag ni Guiao. “Tingin ko they had a good shooting night tonight. Probably because of our defense, we need to improve on our defense.”

Natuwa din si Guiao na nagkaroon ng ilang mga bangaan at iringan ang players ng magkabilang koponan sa kanilang Monday night scrimmage.

“Nakita naman natin halos nagkakapikunan na and that’s very close to what will happen in the games themselves. So even mentally you are able to exercise controlling your emotions and you’re able to condition your mind to taking that kind of physicality that you will face against Kazakhstan and Iran,” ani Guiao.

 

7

Related posts

Leave a Comment