NAKATAKDANG umalis ngayong weekend patungong Mexico si International Boxing Federation (IBF) mini-flyweight champion Pedro Taduran para sa first title defense niya sa susunod na buwan.
Makakalaban ng 23-anyos na si Taduran si challenger Daniel Valladares sa isang 12-round bout sa Guadalupe, Nuevo Leon sa Pebrero 1.
Si Taduran, may 14-2 win-loss record na may 11 KOs ay nakatakdang umalis sa bansa sa Sabado kasama ang kanyang chief handler na si Art Monis at lead trainer at ex-world champion Tacy Macalos.
Nagpahayag ng kumpiyansa si Monis na mananalo ang kanyang alaga dahil maganda umano ang ensayo nito sa La Union.
Ngunit aminado siya na kung sino ang makapagpapatama ng mga solidong suntok ang magwawagi sa 12-round match up.
Napanalunan ni Taduran ang IBF 195-lb title Setyembre ng nakaraang taon matapos talunin sa loob ng tatlong rounds ang kababayang si Samuel Salva.
Si Valladares naman, may 22-1 at 13 KOs record, ay kagagaling lang sa stoppage win laban sa dating undefeated Filipino prospect Christian Araneta.
Si Taduran ay kabilang sa natitirang apat na reigning world champions ng bansa. Ang tatlo pa ay sina ‘fighting’ Senator Manny Pacquiao, Jerwin Ancajas at John Riel Casimero. (EBG)
442