UAAP WOMEN’S BASKETBALL: UST SWAK SA STEPLADDER SEMIS

Inakay ni MVP Grace Irebu ang University of Santo Tomas sa stepladder semis nang talunin ang La Salle, 79-67 sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa Araneta Coliseum kahapon.

Ang Congolese center na si Irebu ay humirit ng siyam ng kanyang 29 points sa payoff period para pangunahan ang Tigresses sa pag-entra sa next round.

Nakatuwang ni Irebu si Mythical Team member Sai Larosa na nag-ambag ng 18 points, four rebounds at two blocks, bagamat may walong errors. Habang may 16 points at four rebounds si Loraine Capilit.

Susubukan ng UST na makarating pa sa mas mataas sa pagharap sa Adamson sa stepladder semis sa Linggo.

Namuno naman sa La Salle si Khate Castillo na may 20 points, four rebounds at three assists. Habang si Camille Claro ay nagdagdag ng 15 points, seven boards, three assists at two steals.

Dahil sa pagkatalo, tumapos sa fifth place ang Lady Archers.

7

Related posts

Leave a Comment