SPOX ROQUE MULING NAGPOSITIBO SA COVID-19, NASA OSPITAL

MISMONG si Presidential spokesperson Harry Roque ang nag-anunsyo na siya ay naka-admit sa isang ospital para sa Covid treatment.

Sa isang kalatas, sinabi nito na mas nakahahawa ngayon ang COVID-19 kaya’t marapat lamang ang ibayong pag-iingat.

“I am now admitted in a hospital for Covid treatment. This is to say that COVID-19 is more transmissible now so we have to do extra precaution,” anito.

Magkagayon pa man, tuloy ang gagawin niyang pag-anunsyo sa risk classification ng National Capital Region Plus Bubble na patuloy na tinatalakay ngayon sa Inter-Agency Task Force ( IATF) meeting.

Ang hiling naman ni Sec. Roque sa publiko ay ang taimtim na panalangin para sa lahat ng nahawaan ng COVID-19 sa bansa at sa buong mundo.

“I am asking for your sincerest prayers to all afflicted with COVID-19 in the country and around the world. God bless and protect us all,” aniya.

Samantala, hindi naman nabanggit ni Sec. Roque kung sa Philippine General Hospital (PGH) siya naka-admit dahil sa panibagong laban niya sa COVID-19.

Si Sec. Roque, na mayroong heart condition at diabetes, ay iniulat na namataan sa loob ng pay ward ng nasabing state hospital.

Sinasabi pa sa ulat na si Sec. Roque ay kasalukuyang naka-non-invasive breathing support dahil kailangan na siya ay nakakonekta sa Bilevel Positive Airway Pressure.

Matatandaang, nito lamang Marso 15 ay unanunsyo rin ni Sec. Roque na nahawaan siya ng kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19). (CHRISTIAN DALE)

104

Related posts

Leave a Comment