Stranded sa Metro Manila uunahin BALIK PROBINSYA SUSPENDIDO

SINUSPINDE ng pamahalaan ang implementasyon ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program upang gamitin ang resources o pondo para rito sa pagpapaalis ng mga stranded individual sa Metro Manila patungo sa mga lalawigan.

Sinabi ni National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada Jr. na nagbigay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng malinaw na kautusan para tulungan ang mga tao na-stranded dahil sa COVID-19 restrictions.

“This was a clear instruction from the President, unahin pauwiin ang ating mga kababayan na stranded dito sa Maynila and these are the OFWs (Overseas Filipino Workers), the construction workers, ating mga turista at mga estudyante.

That is the arrangement right now,” ayon kay Escalada.

Aniya, ang implementasyon ng Balik Probinsiya program ay magre-resume sa oras na ang transportasyon ay available at ang mga stranded na indibidwal ay natulungan.

“I foresee that in the next month, let’s say for example July, I think bababa na ang demand ng stranded and therefore [ang] Balik Probinsiya will now take our second rollouts by that time,” aniya pa rin.

“We want to make sure that on one hand the LGUs (local government units) are ready to receive their own constituents by then,” dagdag na pahayag ni Escalada.

Kaugnay nito, agad ding naglabas ng paglilinaw ang Malakanyang at sinabing natapos na ang general pilot testing ng NHA kaya’t pansamantalang itinigil ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program.

Ayon kay Sec. Salvador Panelo, sa kanyang pagkakaalam ay nasa general pilot stage pa lamang ang naturang programa nang ito’y simulan ng NHA.

Ngayon aniya ay posibleng natapos na ito kaya’t kailangan munang itigil ang pangkalahatang operasyon nito upang maisailalim sa masusing ebalwasyon at beripikasyon ang Balik Probinsya Program ng pamahalaan na ang layunin ay ma-decongest ang Metro Manila (MM) at matutukan naman ang pagpapaunlad sa mga kanayunan. CHRISTIAN DALE

168

Related posts

Leave a Comment