STUDENT ATHLETES PWEDE NANG MAGPRAKTIS

PUWEDE  nang makapag-ensayo ang mga koponan na kabilang sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP.

Inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapraktis ng mga student athletes ng Collegiate athletics association.

“Iyong mga fans ng UAAP, magpa-practice na po ang ating mga teams,” ayon kay Presidential spokeperson Harry Roque.

Ani Sec. Roque na saklaw ng IATF approval ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.

Kaugnay nito’y sinabi ni Sec. Roque na kailangan pang maglabas  ng guidelines ang Commission on Higher Education o CHED tungkol dito.

“Ppinapayagan na po ang training ng mga student athletes ng collegiate athletics associations subject sa guidelines na ilalabas ng Commission on Higher Education,” aniya pa rin.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng kontrobersiya sa ginawang pagpapraktis ng UST basketball team na growling tigers sa Sorsogon na nauwi sa imbestigasyon. (CHRISTIAN DALE)

331

Related posts

Leave a Comment