SUNDALO ITINUMBA SA BARRACKS

QUEZON – Patay ang isang miyembro ng Philippine Army matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa loob mismo ng barracks sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si PFC Richard Hubilla, nakatalaga sa 96 IB, 9ID ng Philippine Army sa Barangay Bagong Silang.

Ayon sa report ng Tagkawayan Police, nasa loob ng barracks ang biktima dakong alas-12:30 nang ito ay pagbabarilin.

Isinugod ang biktima sa Ma. L. Eleazar Memorial District Hospital ngunit hindi umabot nang buhay.

Ayon kay P/Maj. Milo Tabernilla, hepe ng Tagkawayan Police, mayroon nang apat na ‘persons of interest’ sa kaso na mga kapwa sundalo sa loob ng kampo.

Samantala, pinabulaanan nito ang mga lumabas na impormasyon na nagpakamatay ang biktima. (NILOU DEL CARMEN)

171

Related posts

Leave a Comment