SUPORTA KAY DIAZ  ITUTULOY NG PSC

HIDILYN12

(NI JEAN MALANUM)

WALANG hindi naaayos kung pag-uusapan.

Ganito ang nangyari sa pagitan nina Hidilyn Diaz at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez kamakalawa, upang resolbahin ang problema ng Olympic silver medalist hinggil sa umano’y kakulangan niya ng pinansyal na suporta na idinaan niya sa social media.

Matapos ang pag-uusap ng dalawa, nangako si Ramirez na patuloy na susuportahan ng gobyerno ang kampanya ni Diaz para sa Tokyo 2020 Olympics.

“We have pledged our support before, and we will continue to do so because we are focused on that Olympic gold as much as Hidilyn is,” pahayag ni PSC chairman Ramirez.

Magugunitang idinaan ni Diaz sa social media, ang hinaing na kulang na kulang na ang kanyang pangsuporta para sa paghahanda sa Olympics.

Ayon kay Ramirez, sa ginanap na board meeting ng PSC, ay inaprubahan din ang dalawa pang kahilingang pondo ni Diaz para sa kanyang training sa China.

Sinabi naman ni Diaz, na hindi siya bibitiw sa kanyang Olympic quest.

“Let’s journey together towards that gold,” wika ni Ramirez kay Diaz.

Si Diaz, 2018 Asian Games gold medal winner, ay tatangkaing makahablot ng ginto sa susunod na Olympic qualifier, ang International Weightlifting Federation World Championships sa Pattaya, Thailand sa Setyembre 18-27.

204

Related posts

Leave a Comment