SUPPLIERS NG MAKINARYA NG ELEKSIYON IPATATAWAG NG COMELEC

comelec122

(NI MINA DIAZ)

PAGPAPALIWANAGIN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga supplier ng mga pumalpak na kagamitan sa ginanap na 2019 na halalan.

Nabatid na ang supplier ng Vote Counting Machines (VCMs) na S1 ay subsidiary ng isang malaking kompanya, habang ang supplier ng mga Voters Registration Verification Machine (VRVM) ay ang “Gemalto”, isang Italian company ngunit katuwang ito sa Pilipinas.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez kailangang ipaliwanag  nila dahil maraming lugar ang nakaranas ng problema sa VRVM.

Gayundin, mahigit 1,000 naman ang pumalyang SD cards na kinailangang palitan ng komisyon.

Aniya, ito ang naging dahilan kung bakit hindi agad nakapagbukas ang ilang mga presinto at bumagal ang proseso ng botohan.

Aminado si Jimenez na nagsisisi ang Comelec en banc sa pagpili sa pinakamababang nag-bid para sa SD cards.

Sa susunod aniyang linggo ay pagpapaliwanagin ng Comelec ang mga supplier ng mga gamit na pumalya.

Kailangang tapusin muna aniya ng Comelec ang proklamasyon sa mga nagwaging kandidato at pagkatapos ay ipatatawag na ang mga supplier.

209

Related posts

Leave a Comment