(NI MINA DIAZ) PAGPAPALIWANAGIN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga supplier ng mga pumalpak na kagamitan sa ginanap na 2019 na halalan. Nabatid na ang supplier ng Vote Counting Machines (VCMs) na S1 ay subsidiary ng isang malaking kompanya, habang ang supplier ng mga Voters Registration Verification Machine (VRVM) ay ang “Gemalto”, isang Italian company ngunit katuwang ito sa Pilipinas. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez kailangang ipaliwanag nila dahil maraming lugar ang nakaranas ng problema sa VRVM. Gayundin, mahigit 1,000 naman ang pumalyang SD cards na kinailangang palitan…
Read More