(NI BETH JULIAN)
TINIYAK ng Department of Energy (DoE) na may sapat na suplay ng kuryente sa mismong araw ng eleksyon sa Lunes, May 13.
Ito ang ginarantyahan ng DoE kay Pangulong Rodrigo Duterte Lunes ng gabi sa Cabinet meeting sa Malacanang.
Sa panig ng Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of National Defense (DND), sinabi ng mga ito sa Pangulo na nakaposisyon na ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na tinaguriang election hotspot upang mapigilan ang anumang posibleng kaguluhan sa buong panahon ng eleksyon.
Tiniyak naman ng Department of Education (DepEd) na matatanggap ng mga guro ang kanilang honorarium at travel allowance sa panahon ng kanilang election duties bilang board of election inspectors (BEI).
Samantala, umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mas magiging mataas ang voters turnout ng overseas absentee voting ngayong election 2019.
