SUSPEK SA PAGPATAY SA LOS BAÑOS MAYOR, ARESTADO

NATIMBOG ng mga tauhan ng Batangas Criminal Investigation and Detection Group sa Baguio City ang isa sa pangunahing suspek sa pagpatay sa dating mayor ng Los Baños, Laguna na si Ceasar Perez, noong Martes.

Ayon sa report ni Batangas CIDG chief, Police Lt. Col. Bryan Dexter Andulan, si Norvin Tamisin na dating konsehal ng Los Baños, ay natunton ng kanilang mga tropa sa pinagtataguan nito sa Baguio City dakong alas-5:00 ng hapon noong Martes matapos ang halos isang linggong casing and surveillance operation base sa impormasyon ng mga informant.

Si Tamisin na 12-taong nanungkulang konsehal ay mahigpit na kalaban umano sa pulitika ng mga Perez sa naturang bayan.

Noong Disyembre 3, 2020 nang pagbabarilin si Perez sa loob mismo ng munisipyo ng Los Baños.

Habang Mayo 5, 2021 naman nang sampahan ito ng kaso kasama ang isang Glenn Arieta makaraan ang isinagawang imbestigasyon ng binuong special police task force hinggil sa kaso.

Samantala, hiniling ng anak ng biktima na si vice mayoralty candidate Aldous Perez sa kanyang Facebook post, sa suspek na kung totoong may kinalaman ito ay sabihin na ang buong katotohanan.

“Naniniwala po ako na ito ay dahil lamang sa pulitika, na mayroon pang mas maiimpluwensya at mayayamang tao na nasa likod nito,” pahayag ni Aldous. (NILOU DEL CARMEN)

172

Related posts

Leave a Comment