EPEKTIBO nitong Huwebes, Oktubre 30, ang umento o dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa Central Luzon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Batay sa itinakdang bagong wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), ang daily minimum wage sa unang tranche ay nasa pagitan ng ₱475 hanggang ₱570 depende sa uri ng industriya at lokasyon sa rehiyon.
Itinakda rin ng DOLE na magkakaroon ng ikalawang tranche ng dagdag-sahod sa Abril 16, 2026, kung saan tataas ang arawang sahod sa pagitan ng ₱515 at ₱600.
Kasabay nito, itinakda rin ang ₱6,500 buwanang minimum wage para sa mga kasambahay sa rehiyon.
Layunin ng umento na maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at mapanatili ang sapat na kita ng mga manggagawang umaasa sa arawang sahod sa Central Luzon.
(JOCELYN DOMENDEN)
 19
 19
 

 
                             
                            