ANTAS NG TUBIG SA MGA DAM BUMABA

angatdam12

NABAWASAN pa ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras. Ayon sa pahayag ng PAGASA Hydrology Division, bumaba sa 203.97 metro ang antas ng tubig sa nasabing dam na kanilang naitala pasado alas-6:00 ng umaga nitong Sabado. Mas mababa umano ito kumpara sa 204.03 metro noong araw ng Biyernes. Bukod dito, nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams. Tanging nadagdagan ang tubig sa Binga Dam. Nananatili naman sa 101.10 metro ang antas ng tubig sa Ipo…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM NADAGDAGAN

angatdam77

BAHAGYA pang nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag. Alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Jan. 3 ay nasa 201.71 meters ang water level ng Angat dam. Bagaman ilang araw nang nadaragdagan ay malayo pa ito sa 212-meters na normal high water level ng dam. Kapwa naman bahagyang nabawasan ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 101.05 meters at 77.69 meters. Nabawasan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams. Habang walang pagbabago sa water…

Read More

ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM NADAGDAGAN NI ‘URSULA’

angatdam77

BAHAGYANG napataas ng bagyong Ursula ang antas ng tubig sa Angat Dam, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila. Hanggang nitong Huwebes, ang antas ng tubig sa Angat Dam ay nasa 199.40 meters, mataas sa 198.70 meters sa nakalipas na dalawang araw. Gayunman, hindi pa rin sapat ang ibinuhos na ulan ni Ursula na dapat sana ay nasa 212 meters. Nauna nang inaasahan na makukuha ang normal na antas ng tubig sa Angat Dam sa mga darating na pag-ulan upang makatulong sa panahon ng tag-init sa Marso. Subalit, sinabi…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM NADAGDAGAN NG BAGYONG TISOY

angatdam12

(NI KIKO CUETO) MAY magandang naidulot ang malakas na buhos ng ulan nang dahil sa Bagyong Tisoy. Ito’y dahil tumaas ang tubig sa Angat Dam. Ayon kay Pagasa hydrologist Danilo Flores, umakyat ng 4.5 meters ang level ng tubig. Base ito sa inilabas datos ng Pagasa, kung saan ikinumpara ang level ng tubig sa alas-6:00 ng umaga noong Martes sa lebel ng tubig kanilang alas-6:00 ng umaga, Miyerkules. Nasa 193.37 meters na ito, pero malayo pa rin ito sa 210-meter level. Sinabi naman ni Flores na sa susunod na araw,…

Read More

ULAN NI ‘TISOY’ INAASAHAN SA ANGAT DAM

angatdam77

(NI ABBY MENDOZA) BAGAMAT pinsala ang dulot ng bagyong Tisoy, steady na supply naman ng tubig para sa summer ang positibo nitong ihatid para sa mga residente ng Metro Manila. Ayon sa National Water Resources Board(NWRB) inaasahan nilang makatutulong ang bagyong Tisoy para madagdagan pa ang antas ng tubig sa Angat Dam,ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, nanatiling mababa sa 189 meters ang water level ng dam, kulang pa ito ng 16 meters para maabot ang normal operating level na 205 meters. Sinabi ni David na umaasa silang mapupunan…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM BAHAGYANG NADAGDAGAN

ANGATDAM

NADAGDAGAN nang bahagya sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam. Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes ay nasa 188.37 meters ang antas ng tubig sa Angat dam. Tumaas nang bahagya kumpara sa 188.34 meters kahapon ng umaga. Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam na nasa 100.92 meters. Gayundin ang La Mesa dam na nasa 77.44 meters. Nadagdagan din ang water level sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams. Habang kapwa nabawasan naman ang water level sa Binga at…

Read More

CLOUD SEEDING SA PAMPANGA, BULACAN GAGAWIN NG DA

(NI ABBY MENDOZA) PINAGHAHANDAAN na ng Department of Agriculture (DA) ang pagsasagawa ng cloud seeding operations sa Pampanga at Bulacan sa hangarin na mapataas ang antas ng tubig sa Angat Dam. Ayon kay Agriculture  Secretary William Dar, anumang oras ay kanila nang sisimulan ang cloud seeding, target nito na mapataas ang water level ng tubig sa Angat Dam na syang nagsusuply ng 90% ng tubig sa mga residente ng Metro Manila. Sa huling monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA)-Hydro-metrology division ay nasa 185.28 meters ang water level…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM, PATULOY SA PAGBABA

angatdam77

(NI DAHLIA S. ANIN) PATULOY sa pagbaba ang antas ng tubig sa Angat dam, kahit na nagkaroon ng kalat-kalat na pag-ulan sa buong bansa. Sa pinakahuling tala ng monitoring ng PAGASA, mula sa 185.41 meters ay bumaba ito sa 185.39 meters. Maging ang ibang dam sa Luzon ay bumaba rin ang lebel ng tubig tulad ng Ipo dam mula sa 100.31 meters ay bumaba sa 100.29 meters, La Mesa dam na bumaba din sa 77.37 mula sa 77.39 meters at Caliraya dam na mula sa 286.37 meters ay bumaba sa…

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGBABA

angatdam22

(NI KIKO CUETO) PATULOY ang pagbagsak ng lebel ng tubig sa mga pinagkukuhanan ng mga water concessionaires sa Metro Manila. Ang Angat Dam, pangunahing pinagkukunan ng Manila Water at Maynilad, ay muling nabawasan ng supply matapos bumaba ang lebel nito. Kaninang alas-6:00 ng umaga, naitala ang water level sa Angat dam sa 186.77 meters. Mas mababa ito ng 0.08 meters kumpara noong Linggo, October 20, na nasa 186.85 meters. Bumaba rin ang antas ng tubig sa La Mesa Dam na nakapagtala ng 77.60 meters, mula sa 77.67 meters noong Linggo.…

Read More