SPECIAL AWARD KINA RAVENA, ANIMAM AT AQUINO

TATANGGAP sina Jack Danielle Animam, ang kanyang kahanga-hangang coach sa National University na si Patrick Aquino at si Ateneo stalwart Thirdy Ravena ng special awards sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Manila Hotel Centennial Hall. Si Ravena ang Mr. Basketball, habang sina Animam at Aquino ang unang awardees bilang Ms. Baskeball at Coach of the Year ng oldest media organization. Silang tatlo ay bahagi ng mahabang listahan ng honor roll. Una sa listahan ang 2019 Athlete of the Year Team Philippines sa parangal na gaganapin sa Marso…

Read More

UAAP 82 fencing tournament: KORONA ITATAYA NG UE, ATENEO

ITATAYA ng University of the East at Ateneo ang kanilang men’s at women’s title sa pagsisimula ngayon ng UAAP Season 82 fencing tournament sa Paco Arena. Tampok ang men’s individual saber at women’s individual foil sa alas-8:00 ng umaga, habang ang men’s individual epee ay lalaruin sa hapon. Ibinulsa ng Red Warriors ang ikapitong sunod nitong titulo at 13th overall noong nakaraang season sa likod ng mahusay na performance sa individual events, kung saan si CJ Concepcion ang nagwagi sa saber gold at si two-time MVP Sammuel Tranquilan naman ang…

Read More

UAAP SEASON 82 BOYS’ FOOTBALL ATENEO PINASUKO NG FEU

NASA tuktok pa rin ng team standings ang Far Eastern University-Diliman makaraang pulbusin ang Ateneo High School, 4-0 nitong Miyerkoles sa UAAP Season 82 Boys’ Football Tournament sa Rizal Memorial Football Stadium. Ang Baby Tamaraws ay iniangat din ang kanilang puntos sa 14. Hinakbangan ni Gerald Estores si Ateneo keeper Artuz Cezar sa 89th minute para sa ikaapat na goal ng FEU. “In the first round, we failed to score against Ateneo. Everything was mental then. This time we wanted to show that all our efforts in training are not…

Read More

ATENEO BACK-TO-BACK CHAMP

GUMAWA ng kasaysayan ang Ateneo Blue Eagles nang magkampeon na may perpektong kartada sa UAAP Season 82 men’s basketball finals sa Mall of Asia Arena kahapon. Winalis ng Blue Eagles ang UST Growling Tigers nang talunin ito sa iskor na 86-79 sa Game 2 ng kanilang best-of-three finals series. May perpektong 16-0 ngayong season ang Ateneo, itinuturing na “most dominant campaign” sa buong collegiate basketball. Bumida para sa Blue Eagles si Thirdy Ravena na umiskor ng 17 puntos, kabilang ang walo sa huling quarter, bukod sa pitong rebounds at limang…

Read More

ATENEO ‘DI TATANTANAN NG GABRIELA

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI tatantanan ng Gabriela ang Ateneo de Manila University (AdMU) hangga’t hindi nila makakamit ang mga biktima ng sexual harassment na kagagawan umano ng ilan nilang opisyal. Ito ang pahayag ng Gabriela Youth na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa mga kaso ng sexual harassment sa nasabing unibersidad na naging dahilan ng kilos protesta ng mga estudyante at faculty members. “Gabriela Youth stands with the community of Ateneo De Manila University in its calls to end the culture of impunity and…

Read More

GABRIELA NAAALARMA SA ATENEO SEXUAL HARASSMENT CASE

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGPAHAYAG ng pagkaalarma ang grupo ng mga kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa umano’y lumolobong kaso ng sexual harassment sa Ateneo de Manila University, sa Quezon City. Sa panayam ng Saksi Ngayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, sinabi nito na nakikipag-ugnayan na ang kanilang grupo sa mga biktima ng sexual harassment sa nasabing unibersidad. “Oo naman (naaalarma kami),” ani Brosas nang tanungin ang kanyang opinyon sa mga mga reklamo ng mga estudyante sa AdMU na biktima at na idinaan sa social media. “Actually ang Gabriela…

Read More

UAAP JUNIORS BASEBALL TITLE: ABOT-KAMAY NG BLUE EAGLETS

(NI JJ TORRES) HALOS abot-kamay na ng defending champion Ateneo ang back-to-back crowns. Ito’y matapos paglaruan ang University of Santo Tomas sa five innings, 15-3 nitong Huwebes sa Game One ng best-of-three UAAP Season 82 Juniors Baseball Finals sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Kailangan na lang ng Blue Eaglets na manalo sa Sabado para tuluyang angkinin ang ikalawang sunod nitong kampeonato. Agad ipinaramdam ng Ateneo ang husay nang magpakawala ng six-run second inning tampok ang four walks, three errors at three hits nang sina Emilio Perez, Kean Agcaoili, Gabby Mendoza,…

Read More

ATENEO, LA SALLE SWIMMERS NAGTAMPISAW

LOS BANOS, LAGUNA – Nagparamdam agad ang reigning three-time champion Ateneo para dominahin ang Day 1 ng UAAP Season 82 Women’s Swimming Championships, Huwebes ng gabi sa Trace Aquatic Center dito. Si last year’s Most Valuable Player Chloe Daos ang unang sumisid ng para sa Lady Eagles at inangkin ang dalawang ginto sa 100-meter at 800-meter freestyle events. Kasunod nito, nakahablot pa ang Ateneo ng dalawang relay medals para makakulekta ng 101 points. Tinalo ni Daos sina rookies Erin Castrillo ng UP at Nicole Pamintuan ng La Salle sa 100-meter…

Read More

ATENEO, UP ‘DI BIBITIW

LARO NGAYON (MALL OF ASIA ARENA, PASAY CITY) 10:30 A.M. – NU VS FEU 12:30 P.M. – UE VS ATENEO 4:00 P.M. – UP VS DLSU   HIHIGPITAN pa ang kapit sa tuktok ng lider na Ateneo at UP kontra sa magkaibang katunggali ngayon sa umiinit na UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Hawak ang 1-2 position papalapit sa dulo ng first round, hangad ng Blue Eagles (5-0) at Fighting Maroons (4-1) na mapanatili ang kanilang kalamangan sa mga naghahabol na koponan…

Read More