(NI JG TUMBADO) TULUYANG pinalaya ng korte matapos makapagpiyansa ng P12 milyon si dating Daraga , Albay Mayor Carlwyn Baldo, ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay dating AKO BICOL Partylist Rep. Rodel Batocabe, noong Disyembre 22 ng nakalipas na taon. Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office (PRO) V Director Police Brig. Gen. Arnel Escoval na ganap na alas 4:45 ng hapon araw ng Lunes, nakalaya si Baldo. Una nang naglagak ng P 12 milyon piyansa si Baldo kaugnay ng 2 counts ng murder at 6 counts ng frustrated murder…
Read MoreTag: Baldo
PAMILYA BATOCABE DISMAYADO SA PAGPIYANSA NI EX-MAYOR BALDO
(NI ABBY MENDOZA) GALIT at panlulumo ang nararamdaman ngayon ng kaanak ng pinaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe matapos payagan ng Legaspi Court ang pangunahing suspek na si dating Daraga mayor Carl Baldo na makapagpiyansa sa kasong murder. Sa isang statement, sinabi ng anak ni Batocabe na si Atty Justin Batocabe na hindi nila inasahan ang ganitong desisyon lalo at matibay ang ebidensyang nagtuturo kay Baldo na may kinalaman sa pagpatay sa kanilang padre de pamilya. “Pinaghalu-halong galit, panlulumo, at pagkagimbal ang nararamdaman ngayon ng aming pamilya sa…
Read MoreMAYOR BALDO SUMUKO NA
SUMUKO na, Biyernes ng umaga, si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo matapos isyuhan ng arrest warrant sa pagkamatay ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at police escort. Sinabi ni Col. Wilson Asueta, director ng Albay police, na si Baldo ay sumuko bandang alas-8:30 ng umaga sa Legazpi Regional Trial Court Branch 10, kasama ang kanyang pamilya at abogado. Ang pagsuko ni Baldo ay tatlong araw bago ang May 13 elections. Ang Legazpi Regional Trial Court Branch 10 din ang nag-isyu ng warrant laban sa mayor para sa double murder…
Read MoreMAYOR BALDO IPINAAARESTO NA NG KORTE
(NI NICK ECHEVARRIA) IPINAAARESTO na ng korte ang suspendidong alkalde ng Daraga, Albay na si Carlwyn Baldo. Ayon kay Albay Provincial Police Office Chief P/Col. Wilson Asueta, hawak na nila ang warrant of arrest laban kay Baldo na ipinalabas ng Legazpi City Regional Trial Court Branch 10. Kasalukuyan na umanong pinaghahanap ng kanilang mga tauhan ang suspendidong alkalde na nahaharap sa dalawang kaso ng pagpatay kay Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe at sa alalay nitong si P/SMSgt. Orlando Diaz. Matatandaan na noong Disyembre 2018, pinagbabaril ng mga armadong suspek…
Read MorePAMILYA BATOCABE DISMAYADO SA KASO
DISMAYADO ang pamilya Batocabe sa itinatakbo ng kaso ng pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe dahil sa sinasabi nilang ‘delaying tactics’ ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo. Si Baldo ay pinayagang makapagpiyansa ng korte at pansamantalang nakalalaya sa kabila ng isinampang double murder at multiple frustrated murder case. Ikinalungkot din ni Atty. Justin Batocabe, panganay na anak ng pinaslang na kongresista, ang motion to inhibit ng mga prosekusyon sa Albay kaugnay ng kaso na inilipat sa Camarines Sur. Sinabi pa nito na dapat sana ay noong Pebrero…
Read MoreMAYOR BALDO ARESTADO!
(NI JG TUMBADO) ISINAILALIM na sa kostudiya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ng Police Regional Office-5 (PNP-CIDG-Bicol region) si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo, ang itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe. Ito ay kasunod ng isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa bahay ni Baldo sa Barangay Tagas dakong alas 2:30 ng Martes hapon. Ayon kay Senior Supt. Rolando Ardiente, Regional Director ng CIDG-Bicol, bitbit ang dalawang search warrants sa ginawang pag raid sa bahay ng naturang alkalde. Ang unang warrant ay para sa loose…
Read MoreCOMELEC : BALDO MAHIRAP TANGGALIN SA LAKAS
INAMIN ng Commission on Elections (COMELEC) Bicol na mahihirapan ang ahensiya na tanggalin sa political party si Daraga Mayor Carlwyn Baldo. Inilaglag na si Baldo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) matapos masangkot bilang utak sa pagpaslang kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at security aide nito na si SPO2 Orlando Diaz noong December 22. Sinabi ng COMELEC na noong Nobyembre 29, 2018 pa naisapinal ang listahan ng mga partido kung saan si Baldo ang standard bearer ng Lakas-CMD sa Daraga Albay. Gayunman, hanggang kahapon ay nabatid na independent candidate…
Read MoreMAYOR BALDO INABANDONA NA NG LAKAS-CMD
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS iturong mastermind umano sa pagpatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at SPO1 Orlando Diaz dahil sa pulitika, inabandona na ng kanyang partidong Lakas-CMD si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo. Sa kanyang sulat sa Commission on Election (Comelec), sinabi ni Lakas-CMD Executive Director Atty. Bautista ‘Butch’ Corpin Jr., na binabawi na ng partido ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng partido kay Mayor Baldo. “Please be informed that Lakas-CMD is revoking the CONA issued to Mr. Baldo. Hence, Mayor Baldo is no longer the…
Read MoreARMAS ISINUKO NI MAYOR BALDO
ISINUKO ni Mayor Carlwyn Baldo, ng Daraga, Albay, ang tatlo sa apat na baril, ayon kay PNP chief Director Oscar Albayalde Biyernes ng hapon. Sa press conference, sinabi ni Albayalde na isang 12 gauge shotgun at dalawang .45 cal pistol ang isinauli ni Baldo sa Albay Provincial Police Office. Hindi naman naisuko ang isang Elisco 5.56 rifle, na ayon sa mayor ay nawawala. Kahapon ay iniutos na ni Albayalde ang kanselasyon ng gun permit ni Baldo matapos itong iturong utak sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at police…
Read More