MAGANDANG BUHAY SA BARMM IPINATITIYAK NI DU30

bangsamoro12

(NI BETH JULIAN) IPINAG-UTOS na ng Malacanang ang pagpapatupad ng normalization process batay sa nakasaad sa comprehensive agreement on the Bangsamoro (CAB) at Bangsamoro Organic Law (BOL). Sa Executive Order 79 na inilabas ng Malacanang, nais makatiyak ang Palasyo na natatamasa ng mga residente ng Bangsamoro Communities ang maayos na pamumuhay na akma sa kagustuhan at kultura ng mga ito. Kasabay nito, ipinag utos din ng Pangulo ang pagbuo ng Inter Cabinet Cluster Mechanism on Normalization (ICCMN) na mangunguna sa pangangasiwa sa normalization program ng gobyerno. Pangungunahan ang ICCMN ng…

Read More

NUR KAKATAWAN SA BANGSAMORO SA ISLAMIC SUMMIT

NUR15

(NI TERESA TAVARES) HUMINGI ng go-signal sa Sandiganbayan si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari upang makadalo sa pan-Islamic council summits bilang observer na kumakatawan sa Bangsamoro. Nakasaad sa urgent motion to travel na inihain sa  Sandiganbayan Third Division, nais ni Misuari na bumiyahe sa  Abu Dhabi, United Arab Emirates mula March 1 hangang March 2 at sa Rabat, Morocco mula March 13 hanggang March 14. Magtutungo si Misuari sa Abu Dhabi para dumalo sa Organization of Islamic Cooperation (OIC) habang ang pagtungo sa Rabat ay para sa Parliamentary Union…

Read More

SABOTAHE SA PLEBISCITE NAPIGILAN

lanao6

(NI JG TUMBADO) ITINUTURING ng awtoridad na matagumpay ang ikalawa at huling plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL sa Maguindanao sa kabila ng kaliwat kanang tensyon at kaguluhan na bumalot sa lugar. Bago simulan ang pagbubukas ng mga presinto, ilang lugar ay tatlong magkakasunod na pagsabog ang yumanig nitong araw ng Martes sa ilang bayan ng Lanao del Norte. Batay sa impomasyon mula sa Joint Task Force (JTF) Plebisito, unang naitala ang pagsabog sa likod ng municipal hall ng Kauswagan bandang alas-4:50 ng hapon. Sumunod ang ikalawang pagsabog…

Read More

SULU UMAYAW SA BOL

bol

COTABATO City – Makaraang tanggihan ng mga residente ng Sulu ang ratipikasyon sa Bangsamoro Organic Law (BOL), sinabi ni dating Sulu governor Abdusakur Tan na nais nilang maging bahagi ng Zamboanga Peninsula (Region 9) at ihiwalay sa bagong Bangsamoro government. Ang Sulu ang tanging lalawigan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na bomoto laban sa ratipikasyon ng BOL, sa No vote na nakapagtala ng kabuuang163,526 laban sa 137,631 Yes votes. “We want to opt out of the ARMM and to belong to a progressive place like Region 9,” ayon…

Read More

PERA KAPALIT NG YES SA BOL

bol

(NI BONG PAULO) IKINABAHALA ngayon ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani ang pamamahagi umano ng ID ng grupong Bangsamoro Movement for YES sa mga botante ng Cotabato city. Ang nakapagtataka pa, ayon kay Mayor Guiani, kapareho ng datos na nasa Comelec ang datos na makikita sa ID gaya ng picture ng botante, pangalan, clustered precinct at posisyon. Sinabi ni Guiani na nakausap niya ang ilan sa mga nabigyan ng naturang ID at nagtataka rin aniya ang mga ito kung bakit binigyan sila ng ID gayung hindi naman umano sila nag-apply…

Read More

AFP, PNP AT COMELEC NAGHAHANDA SA BOL PLEBISCITE

bangsa

(NI JESSE KABEL) NAGSAMA-SAMA kahapon ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec) para talakayin ang ilalatag na seguridad upang matiyak na magiging  matiwasay ang pagdaraos ng Bangsamoro Organic Law plebiscite at May 2019 midterm elections particular sa Mindanao. Kasunod ito nang naging pahayag ni defense Secretary Delfin Lorenzana na problematic ang ilang lugar sa Mindnao kaugnay sa gaganaping BOL plebiscite kabilang dito ang Cotabato City, Lanao del Norte at Isabaela Basilan. Aminado si Lorenzana na malaking hamon sa kanila ang pagpasok ng…

Read More

MINDANAO BANTAY-SARADO

cotabato

(NI AL JACINTO) NASA  mahigpit na pagbabantay ngayon ng militar at pulisya ang buong Mindanao matapos ng madugong pambobomba sa Cotabato City na ikinamatay ng 2 katao at pagkasugat ng 47 iba pa. Habang papalapit ang referendum para sa Bangsamoro Organic Law na siyang isinisulong ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay lalong tumataas ang tensyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil sa mga lugar na ayaw mapasama sa proposed Bangsamoro autonomous region. Kabilang ang Cotabato City, Isabela City at Sulu sa mga pumapalag kontra sa Bangsamoro…

Read More