(NI HARVEY PEREZ) MALAPIT nang ibahagi sa publiko ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ,ang P20 . coins na.magiging kapalit ng P20 bills, na ginagamit ngayon sa bansa. Nabatid na ipinasiya ng BSP, na gawin na lamang barya ang P20 bills dahil mas cost-effective ito. Ngayong Disyembre, ilalabas sa publiko ang P20 coins bago ito tuluyang ilabas sa sirkulasyon sa 2020. Nalaman na ipakikita kay BSP Governor Benjamin Diokno ang pinal na disenyo ng naturang bagong barya sa ceremonial launch nito. Sinabi ng BSP na pananatilihin nila ang mga pangunahing elemento…
Read MoreTag: BSP
ONLINE 5-6 IPINAKOKONTROL SA BSP, SEC
(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG kontrolin na ng gobyerno ang online 5-6 na nauuso ngayon sa social media at maraming Filipino ang pumapatol dahil mas mabilis ang pangungutang ito subalit ipinapahiya ang mga nangungutang kapag hindi makabayad sa tamang oras. Sa press conference nitong Huwebes sa Kamara, sinabi 1PACMAN party-list Rep. Mikee Romero na panahon na para iregulate ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang mga aniya’y ‘colorum na 5-6” sa social media. “The BSP (Bangko Sentrak ng Pilipinas) and the SEC (Securities and Exchange Commission) should go through this. It has…
Read MorePISO BAHAGYANG SUMADSAD
(NI MAC CABREROS) BAHAGYANG bumaba ang halaga ng piso kumpara sa dolyar, iniulat nitong Martes ng Philippine Stock Exchange. Sumadsad sa P52:$1 level ang perang Pinoy nang matapyasan ng 27.5 centavos ang P51.765 kada dolyar noong Miyerkoles. Walang trading noong Huwebes at Biyernes dahil sa Semana Santa. Makikinabang ang pamilya ng mga overseas Filipino workers dahil madaragdagan ang papasok sa kanilang bulsa gayundin ang kita ng mga exporters, ayon sa economic experts. Sa kabila nito, inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mayroong kaakibat na masamang epekto nito sa ekonomiya ng…
Read MorePRESYO NG PANGUNAHING BILIHIN TATAAS
(NI MAC CABREROS) INAASAHAN ang patuloy na bahagyang pagbagal ng inflation rate o pagtaas sa presyo ng mga produkto sa bansa nitong Marso, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Sa taya ng mga economic analyst ng BSP, nakitang maglalaro sa 3.1 hanggang 3.9 porsyento ang March inflation na kapag nagpatuloy ang down trend ay maililista na ika-limang sunod na pagtumal ng mga produkto. Naitala sa 3.8 porsyento ang inflation noong Pebrero na mababa kumpara 4.3 porsyento noong Marso 2018. Ayon BSP, bumagsak ang presyo bunsod nang pagtambak ng malaking supply…
Read MoreKREDIBILIDAD NG BSP MANANATILI — DIOKNO
(NI BETH JULIAN) TINIYAK ni newly installed Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na itutuloy nito ang mga polisiya at repormang ipinatutupad sa ahensya mula pa sa namayapang BSP Governor Nestor Espenilla Jr. Sa pagharap ni Diokno sa media Biyernes ng hapon, sinabi nito na sa tulong ng highly competent workforce ng BSP, siniguro nito na mapananatili ang kredibilidad nito na kinilala sa buong mundo. Titiyakin din ni Diokno na mapananatili ng ahensya ang institutional independence nito. Dito, inihayag ni Diokno na naniniwala siya na mayroon pa ring…
Read MoreBANTA NG SOLONS: DIOKNO ‘DI PWEDENG ‘DI DADAAN SA CA
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY KIER CRUZ) KUNG nakaiwas man si dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa imbestigasyon ng Kamara sa mga kuwestiyonableng transaksyon nito sa kanyang dating tanggapan, wala itong ligtas sa nasabing isyu pagdating sa Commission on Appointment (CA). Ito ang tila banta ng Kamara kay Diokno na itinalaga bilang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng imbestigasyon ng Kongreso laban sa kanya. Tinaliwas din sa Kamara ang unang sinabi ng Palasyo na hindi na kailangang dumaan pa…
Read MorePANGAMBA NG BANKING INSTITUTION PINAWI NI DIOKNO
(NI BETH JULIAN/PHOTO BY KIER CRUZ) MAYROON nang first order of business si bagong Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno. Ito ay tinatawag na kauna unahang monetary policy meeting na simulang pinamunuan, Huwebes. Sinabi ni Diokno na ipagpapatuloy nito ang polisiya ng BSP gaya ng pananatili ng integridad sa financial system, price stability at maging ang advocacy ng pumanaw na si BSP Governor Nestor Mejia Jr. sa usapin ng financial inclusion. Pinawi ni Diokno ang pangamba mula sa banking institution sa pagkuha ng Pangulo ng mamumuno sa BSP na…
Read MorePANELO: DIOKNO ‘DI KAILANGAN ANG PAGPAYAG NG CA
NILINAW ng Malacanang na hindi na kailangan ang kumpirmasyon ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno sa Commission on Appointments. Ito ay bunsod ng unang sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na tiwala ang Palasyo na lulusot si Diokno sa CA dahil sa kanyang husay at integridad. Ibinigay paliwanang ni Panelo na hindi saklaw si Diokno sa mga listahan ng mga opisyal na kailangan pang dumaan sa pagsang-ayon ng CA. Si Diokno ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong governor ng BSP kapalit ng yumaong si dating governor…
Read MorePALASYO NANINIWALANG LULUSOT SA CA SI DIOKNO
SA kabila ng kaliwa’t kanang pagbatikos sa pagkakaupo bilang bagong Bangko Sentral ng Pilipinas governor, naniniwala pa rin ang Palasyo na makalulusot sa Commission on Appointments (CA) si dating Budget secretary Benjamin Diokno. Tiwala si Presidential spokesperson Salvador Panelo na makukumbinsi ni Diokno ang mga miyembro ng CA dahil na rin sa galing, at integridad nito. Ang pagkakaupo umano ni Diokno ay patunay na hindi nawala ang tiwala sa kanya ng Pangulo kasabay ng paggiit ni Panelo na hindi naniniwala ang Pangulo sa mga akusasyon laban sa dating Budget secretary.…
Read More