RELEASE ORDER NG KILLERS NG CHIONG SISTERS, PIRMADO  

chiong55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) TINUKOY na ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang opisyal ng Bureau of Corrections na nakalagda sa release order ng mga sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa Chiong sisters. Sinabi ni Lacson na isang correctional technical superintendent ang lumagda sa release order ng mga responsable sa rape-slay nina Marijoy at Jacqueline Chiong sa Cebu noong 1997. “Maria Fe Marquez, Parang Correctional Technical Superintendent, yan ang nagpirma. So dapat alamin natin,” saad ni Lacson. Kinuwestyon din ni Lacson kung bakit ang opisyal ang nakalagda sa dokumento gayung ang director…

Read More

FAELDON PINASISIBAK  SA PALPAK SA BUCOR

(NI ESTONG REYES) HINILING ni Senate President Vicente Sotto III na balasahin ang Bureau of Corrections (BuCor) na pinamumunuan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos lumaya ang mga kriminal na nahatulan sa heinous crimes. Sa kanyang tweets, sinabi ni Sotto na marapat nang magkaroon ng sibakan sa BuCor na lubha nang umiinit ang kontrobersiya sa ahensiya kabilang ang pagpalaya sa mga convicted drug lords, rapists, murderer at iba pang krimen na disqualified sa paghingi ng parole. Ayon kay Sotto, may ulat na nilagdaan ni Faeldon ang release papers ng apat…

Read More

LISTAHAN NG PINALAYANG HEINOUS CRIME CONVICT, PINALALABAS

(NI BERNARD TAGUINOD) HINAMON ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso  ang Bureau of Correction (BuCor) ang pangalan ng mga bilanggong sangkot sa heinous crimes o karumaldumal na krimen na pinalaya dahil sa Republic Act (RA) 10952 o Good Conduct Time Allowance (GCTA). Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang nasabing hamon sa Bucor matapos matuklasan ni Sen. Panfilo Lacson na maging ang 4 na Chinese drugs lord ay pinalaya dahil sa nasabing bantas. “Ating tinatawagan ang Bureau of Corrections at Department of Justice na maging transparent sa buong…

Read More

RAPIST-KILLERS NG CHIONG SISTERS NAKALAYA NA?

chiong55

(NI ROSE PULGAR) MATAPOS ang kontrobersiyal na tangkang pagpapalaya kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez, nangangamba ang pamilya Chiong sa Cebu na nakalaya na rin ang killers ng magkapatid na Chiong na dinukot, ni-rape at pinatay noong 1997. Sa isang press conference nitong Huwebes, inamin ng Bureau of Correction (BuCor) na halos 2,000 preso ang napalaya dahil sa ‘good behavior’ sa loob ng piitan at maraming bilang sa mga ito ay convicted rapists at murderers. Nauna nang pinabulaanan ni Bucor chief Nicanor Faeldon na may pinirmahan siyang release order para…

Read More

SANCHEZ: RELEASE DOCS KO PIRMADO NA!

(NI KIKO CUETO) IGINIIT ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na napirmahan na ang kanyang release documents. Sa panayam sa GMA News, sinabi ni Sanchez na sa katunayan ay hindi na siya kasama sa food rations ng New Bilibid Prison. “Batch na namin,” sinabi ni Sanchez, kung saan kabilang umano siya sa nakinabang sa Republic Act No. 10592. “Kasi by batch e. Eh ako’y sa 95 naka-ano. Pirmado na nga lahat e. May release paper na nga ako. Wala na nga akong pagkain dito. Hindi na ko kasama sa rantso,”…

Read More

REBISYON NG GCTA TAPOS SA LOOB NG 10-ARAW – DOJ

doj

(NI HARVEY PEREZ) TATAPUSIN ng Department of Justice (DoJ) sa loob ng 10 araw ang isinasagawang pagrebisa  sa mga guidelines kaugnay sa pagbabawas ng sentensiya sa nga bilanggo. Ayon kay Justice Secretary Menardo Guievarra, ikinukonsidera ng DoJ ang pagsuspinde sa pag proseso  sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa mga inmates kasunod ng pagtutol ng publiko para sa maagang paglaya ng convicted rapist–murderer na si Antonio Sanchez. Sinabi ni Guevarra na magpapalabas siya ng Department Order para sa mabilis na pagrebisa sa mga guidelines sa GCTA. “Gusto naming bigyan ‘to ng top…

Read More

GORDON: RECORD NG MGA PRESO GAWING COMPUTERIZED

gordon12

(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senador Richard Gordon na gawin nang digital ang record ng mga preso para matiyak ang tamang mga impormasyon sa panahon ng kanilang pananatili sa kulungan. Ito ay kasunod ng naging isyu sa posibleng pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez bunsod ng implementasyon ng Republic Act No. 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. “There shall be full automation of prison records. It is important that their time served and their good conduct time allowance are properly documented and accounted. Wala dapat dayaan…

Read More

OPISYAL NG BUCOR IPATATAWAG SA ‘GOOD CONDUCT LAW’

bucor55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SINABI ni Senate Minority leader na ipatatawag niya sa Senado ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BUCOR) upang ipaliwanag ang sinasabi nilang komputasyon sa pananatili ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez at ang nabuking na posibleng paglaya nito sa susunod na dalawang buwan. Kasabay nito hindi rin aatras si Drilon sa kanyang panukala na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpapatupad ng Bureau of Corrections ng Good Conduct Time Allowance Law o RA 10592. Ito ay kahit tiniyak ng gobyerno na hindi sakop ng batas si dating Calauan…

Read More

PAGLAYA NI SANCHEZ SA LOOB NG 2 BUWAN, ITINANGGI

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY KIER CRUZ) MARIING pinabulaanan ngayong Huwebes ni Bureau of Correction (BuCor) Director General Nicanor Faeldon ang napaulat na makalalaya na sa loob ng dalawang buwan si dating Calauan mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison (NBP) kung saan ito nakakulong sa Muntinlupa City. Sa isang pulong balitaan na ginanap sa loob ng NBP, sinabi ni Faeldon na kailangan pang i-review ang kanyang good conduct and time allowance dahil nasasangkot din ang dating alkalde sa loob ng bilibid sa illegal na droga at mga kontrabando sa kanyang selda…

Read More