LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 5 earthquake ang Catanduanes province Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay naganap bandang alas- 2:04 a.m. na may epicenter sa Panganiban (Poyo) town sa Catanduanes. Tectonic ang sanhi ng lindol. Hanggang alas-5:00 ng umaga, inaalam pa ng Catanduanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PRRDMC) ang pinsala ng lindol. Naramdaman naman ang Intensity II sa Legazpi City. 115
Read More