PNP: 10 NA PATAY SA POLL VIOLENCE

poll violence12

(NI JG TUMBADO) NASA 10 na ang bilang ng mga indibidwal na  napapatay na may  kaugnayan sa eleksyon ngayong 2019. Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Col. Bernard Banac sa kanyang press briefing, nitong Biyernes sa Camp Crame. Bukod sa naturang bilang, nasa 14 katao naman ang nakaligtas sa tangkang paglikida mula Enero 13 hanggang April 30. Sinabi ni Banac, naitala sa iba’t ibang parte ng bansa ang nabanggit na mga kaso. Wala aniyang rehiyon ang nakapagtala ng maraming bilang ng marahas na insidente sa nalalapit…

Read More

‘BLEEDING INK’ SOSOLUSYUNAN NG COMELEC

comelec122

(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK ng  Commission on Elections (Comelec) sa publiko na magbibigay sila ng mha replacement  markers kasunod ng naiulat na insidente ng  blotting pens sa ginanap na overseas absentee voting (OAV). “Papalitan namin ‘yun  and we still have time and election officers are already ready also to purchase kung kukulangin pa rin ,” ayon kay  Frances Aguindadao-Arabe, director of Comelec’s Education and Information Department. Nabatid din na ang mga sumobrang markers noong 2013 at 2016 elections ay maari pang gamitin dahil sa napakaayos pa ng mga kondisyon nito.…

Read More

10 DAYS TO GO: HALOS LAHAT PASAWAY NA– COMELEC

comelec

(Ni FRANCIS SORIANO) KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec)  na habang papalapit ang araw ng midterm elections ay parami nang parami ang mga kandidatong nagiging pasaway at halos lahat na sa kanila ay lumalabag sa mga alituntunin ng Comelec rules. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tila sinasadya na ng mga kandidato ang lumalabag sa kanilang mga panuntunan, lalo na sa paglalagay ng mga campaign posters sa mga hindi common posting area dahil nagiging agresibo na sila sa pangangampanya at pagpapakilala sa mga botante. Dahil dito, binabaklas na lamang ang…

Read More

‘UV MARKS’ BAHAGI NG SECURITY FEATURES — COMELEC

comelec vote12

(NI MINA DIAZ) NILINAW ng Commission on Elections (Comelec) na walang pre-shaded ballot o mga balotang namarkahan na bago pa ang araw ng halalan sa May 13. Sinabi ni Comelec Executive Director Jose Tolentino, hindi totoo ang kumakalat na video sa online na may mga balotang pre-shaded na, at aniya’y hindi opisyal na balota ang nakita sa naturang video. Aniya, bahagi lamang ng security features ng balota ang ultraviolet marks, ngunit hindi umano makikita sa mismong bilog na mamarkahan ng mga botante ang marka. Paliwanag ni Tolentino, sinubukan na nila…

Read More

HULING BATCH NG SOURCE CODES NG COMELEC IDINEPOSITO SA BSP

COMELEC-5

(NI MINA DIAZ) IDINEPOSITO ng Commission on Elections (Comelec) ang huling batch ng mga source code para sa Mayo 13 automated midterm elections, sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa pag-iingat. Ang mga source code ay para sa muling pagtatatag ng imahe ng OS para sa consolidation and canvassing system na gagamitin sa bagong biniling mga laptop at printer, Smartmatic code para sa mga routers ng paghahatid, at DNS o domain name servers para sa mabilis na paghahatid ng mga resulta. Ang source codes, na inilagay sa mga indibidwal…

Read More

MAHABANG ELECTION HOLIDAY POSIBLE

long holiday12

(NI BETH JULIAN) HANDA ang Malacanang na pakinggan ang rekomendasyon ng Department of Energy (DoE) na habaan ang election holiday. Layon nito na matiyak ang sapat na suplay ng kuryente sa araw ng halalan at maging sa araw ng bilangan ng boto. Ito, ayon sa DoE, ay posibleng maliban sa May 13 at maaaring gawin na rin na holiday ang May 14 para matiyak na walang magaganap na brownout sa araw ng bilangan ng mga boto. Sinabi naman ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na bukas ang Palasyo sa anumang…

Read More

BOTANTE PINAALALAHANAN VS VOTE BUYING

vote buy 12

(NI HARVEY PEREZ) HINIMOK ng  Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na huwag magbenta ng kanilang boto sa nalalapit na mid-term elections sa Mayo 13. Ayon kay  Comelec spokesperson James Jimenez dalawang linggo na lamang ang nalalabi bago sumapit ang halalan kaya dapat na gamitin ng mga botante ang kanilang konsensiya sa pagboto. Pinaalalahanan din ang mga botante na huwag ibenta ang boto at gamitin ang konsensiya sa pagpili ng mga iluluklok na opisyal. “With respect to everyone giving different advice: DO *NOT* TAKE THE MONEY. IN ALL CASES,…

Read More

LOCAL ABSENTEE VOTING SIMULA NA NGAYON

lav12

(NI HARVEY PEREZ) MAGSISIMULA na sa Lunes, Abril 29, ang local absentee voting para sa lahat ng botante na naka-duty sa Mayo 13 national and local elections. Nabatid na ang LAV ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 10443, kung saan ang maaari lang makilahok ay mga  sundalo at pulis, maging mga kagawad ng media na nagparehistro para makapag-avail ng  LAV. Gayundin, sinabi ni  Comelec spokesperson James Jimenez, na nakahanda na ang mga balotang gagamitin sa LAV at ibibiyahe na lamang. Sa ilalim ng LAV, mga senador at party-list lang ang…

Read More

COMELEC NAGHAHANDA SA KALAMIDAD SA ELEKSIYON

comelec

(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa sunud-sunod na pagkakatala ng pagyanig sa bansa, ikinasa na ng Commission on Elections (Comelec) at mga katuwang sa halalan ang paghahanda sakaling may lindol o anumang sakuna sa panahon ng halalan. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, isinama na ng poll body ang paghahanda sakaling magkaroon ng   sakuna at pangunahin umano aniyang concern ng poll body ang kaayusan ng halalan at kaligtasan ng mga taong kalahok sa aktibidad. Dahil dito ay  magtatalaga sila ng pasilidad at taong gagabay sa publiko kapag may mga biglaang…

Read More