(NI NICK ECHEVARRIA) SASAMANTALAHIN ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong araw na absentee voting na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) para makaboto ang mga pulis nang hindi makasasagabal sa deployment ng kanilang buong puwersa at resources sa pagtiyak ng seguridad sa mismong araw ng election. Ang April 29, 30 at May 1, 2019 ang mga araw na napiling isagawa ang absentee voting sa mga pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa headquarters sa Camp Crame. Nakasaad sa section 2 ng Comelec Resolution No.…
Read MoreTag: COMELEC
61-M OFFICIAL BALLOTS TAPOS NA — COMELEC
(Ni FRANCIS SORIANO) PORMAL nang ini-anunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na natapos na lahat ng National Printing Office (NPO) ang paglilimbag sa huling bahagi ng 61,000,000 official ballots para sa 2019 midterm elections. Ayon kay Director Teofisto Elnas Jr, tututok na lamang ang Comelec sa shipment nito, kung saan ay makakatuwang nila ang mga forwarder na accredited ng poll body at ibang election materials na lang ang kanilang inaasikaso. Base sa tala ng Comelec, mayroong 61,843,750 registered voters para sa May 13 polls. Dagdag pa nito na ang 1.1 milyon na official ballots ay gagamitin…
Read MoreGASTOS NG COMELEC AABONOHAN NG DFA
(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpapaluwal muna sila sa gagastusin sa pagpapadala ng balota para maipadala na sa mga Filipino na rehistradong overseas voters sa kanilang gagamitin para makaboto sa eleksyon. Ito ay habang wala pang ibinibigay ang Commission on Elections (Comelec) na pondo para sa postage fees o para sa pagbili ng stamps at gastos sa pagpapadala ng balota sa koreyo. Nabatid na naantala ang Comelec sa pagreremit sa DFA ng pondo para sa postage fees dahil sa natagalan na pagsasabatas ng 2019…
Read MoreSHIPMENT NG ELECTION PARAPHERNALIA MATATAPOS NA
(NI MINA DIAZ) UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na matatapos nila sa susunod na linggo ang shipment ng mga gagamitin sa May 13 midterm elections. Ito ay matapos ang paglilimbag ng mga balotang gagamitin para sa darating na halalan na aabot sa 61 milyon. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, kasalukuyan nang isinasagawa ang pagbiyahe sa mga gagamiting election paraphernalia sa mga malalayong lugar sa bansa. Sinabi ni Jimenez na ihuhuli na ang paghahatid ng mga gagamitin sa mga malalapit na lugar tulad ng iba’t ibang lugar sa National…
Read MoreCOMELEC NAGDAGDAG NG PONDO SA ABSENTEE VOTERS
(NI HARVEY PEREZ) BINIGYAN ng karagdagang pondo ng Commission on Elections (Comelec) ang Overseas Absentee Voting (OAV) na gagamitin sa postal service ng mga balotang hindi pa naipadadala. Ito ang kinumpirma ni Comelec Comm. Rowena Guanzon kung saan aprub na sa Comele en banc ang paglalaan ng karagdagang pondo para sa OAV. Una nang nagamit ng Ccomelec ang ibang bahagi ng pondo ng OAV pero hindi umano ito naging sapat dahil gumagastos din ng milyun-milyon ang poll body sa pagpapadala ng mga balota. Kasabay nito,sinabi ni Guanzon na walang dapat…
Read MoreBOTANTE NG OAV WALA PANG BALOTA; BUDGET KAPOS
Ni FRANCIS SORIANO HALOS dalawang linggo na ang nakalilipas simula ang botohan noong April 13 para sa mga Overseas Absentee Voters (OAV) ay marami pa ring hindi nakaboboto dahil umano sa problema sa official ballot. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, kahit naaprubahan na ang 2019 budget ay hindi naman ito agad naipamahagi sa lahat ng tanggapan na may request para sa pondo. Dahil dito ay atrasado umano ang pagpapadala nila ng mga balota para sa ibang overseas absentee voters dahil sa problema sa budget at malaki umano…
Read MoreDISQUALIFICATION CASE VS LUCY TORRES IBINASURA
(NI HARVEY PEREZ) IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang petisyon para ma-idiskuwalipika si re-electionist Leyte 4th District Representative Lucy Torres Gomez sa kanyang kandidatura sa nalalapit na midterm elections sa Mayo 13. Ayon sa Comelec, ang dahilan ng pagbasura sa disqualification case ay dahil sa ‘instant petition’ na paso na o lagpas na sa panahon. Ito ay isinampa nang higit pa sa 25-araw matapos na maghain ng kanyang kandidatura si Torres-Gomez na umano’y paglabag sa nakasaad sa section 78 ng Omnibus Election Code. Sinabi ng Comelec na…
Read MoreCOMELEC, 90% NANG HANDA SA ELEKSIYON
(NI HARVEY PEREZ) NASA 90% na umanong handa ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagdaraos ng 2019 national and local elections sa Mayo 13. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, dapat sana ay 95% nang handa ang Comelec kung hindi nagkaroon ng mga paglindol. Nabatid na kumikilos ngayon ang Comelec para alamin ang lawak ng naging pinsala ng malakas na lindol sa mga pasilidad na gagamitin para sa pagsasagawaan ng halalan. Nasa proseso na rin umano ang poll body ng pag-analisa sa kahandaan ng bawat pasilidad kung saan gagawin…
Read MoreOVERSEAS ABSENTEE VOTING SUNUD-SUNOD ANG ABERYA
(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa sunud-sunod na aberya sa Overseas Absentee Voting (OAV), nangangamba ngayon ang mahigit isang milyon nakatalang overseas voters na mababalewala ang kanilang mga boto. Ito’y matapos mapaulat umano ang pagkakaharang sa Saudi Customs office sa computerized voters list na gagamitin sa Al Khobar, pagkasira ng ilang makina sa France, reklamo ng mga botante sa Singapore, Hong kong at iba pang lugar. Nagsimula na noong nakaraang linggo ang Overseas Absentee Voting (OAV) at magtatapos sa Mayo 13, 2019 Samantala, ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James…
Read More