PALUSOT NG COMELEC SA ABERYA SA OV INALMAHAN NG NETIZENS

comelec james12

(NI MAC CABREROS) IKINAGALIT ng mga kababayan ang paliwanag ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa aberya sa overseas voting (0V). Sa Facebook post, inihayag ng mga kababayan na ‘laging nagpapalusot’ ang Comelec kapag mayroong palpak sa botohan. Giit naman ng isang netizen na “hindi maliit na problema! Malaking bagay sa bawat botante na kailangang mabilang ang kanilang boto.” Ang ngitngit ng netizens ay matapos ihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez na ‘minor incident’ lamang ang mga aberya na naganap sa ilang bansa. Nagpaabot ng agam-agam ang Pinoy voters sa Kingdom of…

Read More

‘DAYAAN’ SA OVERSEAS VOTING BINABANTAYAN

overseas12

(NI MAC CABREROS) NAGPAABOT ng agam-agam ang mga Filipino sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa posibilidad na magkaroon ng dayaan sa ginaganap na overseas absentee voting. Sa Facebook post ni Juan Carlo na nai-share ni Roberto Baluyot, ng Duterte and Marcos Unite Supporters, pumalya umano ang makina ng Commission on Elections (Comelec) sa Jeddah, KSA. “Pangalawang araw pa lang ng absentee voting sa Jeddah, KSA, sira na ang PCOS machine, ayaw kainin ang balota namin,” post ni Juan Carlo. Sinikap nilang kunan ng litrato ngunit pinagbawalan umano sila ng…

Read More

COMELEC MAY SARILING GRUPONG SUSUGPO SA ‘FAKE NEWS’

comelec12

HANDA na umano ang isang grupo ng Commission on Election (Comelec) na pinangungunahan ni Comelec spokesperson James Jimenez na sugpuin ang mga posibleng kakalat na mga “fake news” hinggil sa midterm elections sa social media kasabay ng pagsisimula ng overseas voting nitong April 13, sa ilang panig ng mundo. Ito ay kasabay din sa matinding paghahanda ng Comelec sa aktwal na midterm elections. Sinabi ni Jimenez na nagsanay umano ang kanyang grupo upang agad na makapagresponde sa mga posibleng fake news hinggil sa midterm election. May mga paraan umano at…

Read More

REKLAMO NG DILG VS 52 BRGY OFFICIALS ‘IBABASURA’ NG COMELEC

comelec12

(Ni NELSON S. BADILLA) SA ‘basurahan’ ng Commission on Election (Comelec) ang bagsak ng mga reklamong isinampa ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa 52 opisyal ng iba’t ibang barangay dahil sa ‘aktibong’ pangangampanya. Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, wala namang kasamang mga ‘verified complaint’ ang mga kasong isinampa ng DILG sa Comelec laban sa mga opisyal ng barangay na magpapatunay na nangangampanya ang mga ito, kaya hindi uusad ang kaso. Ang pangangampanya ng mga opisyal ng barangay para sa mga kandidato ay ipinagbabawal ng…

Read More

MABABANG OVERSEAS VOTER TURNOUT INAASAHAN NG COMELEC

comelec james12

(Ni FRANCIS SORIANO) INAASAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang mababang turnout ng boto para sa overseas absentee voting para sa midterm elections. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez,  pangkaraniwan na umano na mababa ang voter turnout tuwing midterm election kaysa sa presidential election kaya malabo na mas mataas ang voter turnout ngayon kung ikukumpara noong 2016 presidential election. Base sa kanilang tala ay 21% mula sa kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan isasagawa ang overseas voting ang inaasahan ng poll…

Read More

52 BGY OFFICIALS KINASUHAN SA PARTISAN POLITICS

COMELEC12

(NI JEDI PIA REYES) IPINAGHARAP ng reklamo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Commission on Elections (Comelec) ang 52 opisyal ng barangay na nasasangkot umano sa partisan political activities. Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, ang mga inireklamo ay ang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan na aktibong nangangampanya para sa mga kandidato ng halalan sa Mayo 13. “Ito ay transmittal of complaints galing sa ating mga kababayan na laban mga barangay captain to [Sangguniang Kabataan] officials na nakikisali nang lantaran sa kampanya starting last…

Read More

OVERSEAS ABSENTEE VOTING NAGSIMULA NA

ABSENT12

NAGSIMULA na ng Sabado ang isang buwan na absentee voting para sa 1.8 milyong manggagawang Pinoy sa ibang bansa para pumili ng mga kandidato sa midterm elections. Halos lahat sa mga ito ay land-based workers habang higit sa 43,000 ang sea-based workers. Hinimok din ng Commission on Elections (Comelec) ang mga Filipino sa ibang bansa na lumahok at kunin ang karapatang bumoto at makiisa sa isang buwan na absentee voting. Inaasahan ng poll body na tumaas ang laging napakababang turnout ng boto sa mga overseas voters gayong tumaas ang bilang…

Read More

KANDIDATONG NANAPAK NG ELECTION OFFICER, ‘DI IDI-DISQUALIFY

comelec

(Ni FRANCIS SORIANO) TALI ang mga kamay ng pamunuan ng Commission on Election (Comelec) para i-disqualify sa pagtakbo si Marty Torralba bilang board member ng lalawigan ng Tarlac matapos nitong sapakin si Teddy Mariano, election officer habang binabaklas ang iligal na campaign poster nito. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez,  kailangan muna ng desisyon mula sa korte bago patawan ng disqualification ang akusadong kandidato kaya hindi sapat na dahilan ang pananapak ni Torralba sa isang election officer para ma-disqualify agad ito sa pagtakbo. Dahil dito, patung-patong namang kaso ang posibleng…

Read More

E-BILLBOARD NG KANDIDATO TABLADO SA COMELEC

comelec

(Ni FRANCIS SORIANO) MALAKING  halaga ngayon ang nawawalang kita ng mga may- ari ng electronic billboard matapos tablahin at pagbawalan ng Commission on Election (Comelec)  ang mga kandidato sa paggamit ng mga naglalakihang electronic billboard sa mga gusali at pati sa mga sasakyan. Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, pinaalalahanan ang mga kandidato na dapat munang maghain ng petisyon sa kanilang opisina ang mga kandidato sa paggamit ng mga electronic billboard. Bunsod nito ay ipinatatangal na ng komisyon ang lahat ng campaign materials sa mga electronic billboard ng mga kandidato, sa ikatlong…

Read More