BONG PUMALAG SA BALAK NA PAGLAHOK NI DE LIMA SA SENATE SESSION

(NI DANG SAMSON-GARCIA) TINAWAG na double standard ni Senador Bong Revilla ang resolusyon nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na nagsusulong na payagan si Senador Leila de Lima na makalahok sa sesyon sa pamamagitan ng teleconferencing mula sa Kampo Crame. “The double standards and sense of entitlement of some people are frankly quite disheartening,” saad ni Revilla. Iginiit ng senador na  noong siya ay nakulong dahil sa tinawag nitong politically motivated charges, ilang grupo ang nag-iingay upang hindi siya makasali sa Senate proceedings na kinabibilangan anya…

Read More

PATUTSADA NI DE LIMA; PALASYO, ‘DEADMA!’

de lima55

(NI BETH JULIAN) HINDI na pinatulan ng Malacanang ang patutsada ni Senator Leila de Lima kaugnay sa usapin ng naudlot na pagpapalaya kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Ayon kay Presidential Spokesperson  Salvador Panelo, mayroon nang demokrasya sa bansa kaya malayang magsalita si De Lima kung ano ang gusto nitong sabihin. Una nang inihayag ni De Lima na binabaluktot ng gobyernong Duterte ang batas para mabigyan-katwiran ang isinusulong na pagpapanumbalik sa parusang kamatayan. “Well, she can always express herself since this is a democratic country, pero hindi totoo ‘yon,” ayon…

Read More

KASAMANG AKUSADO NI DE LIMA ARESTADO NG NBI

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ) ARESTADO ng mga operatiba ng  National Bureau of Investigation (NBI), ang isa sa kasamang akusado ni Senator Leila de Lima sa kasong may kinalaman sa iligal na kalakaran ng  droga sa National Bilibid Prison (NBP) makaraan ang  dalawang taon pagtatago, Biyernes ng madaling araw sa Angeles City, Pampanga. Sinabi ni NBI spokesperson and Deputy Director Ferdinand Lavin na si Jose Adrian Dera  ay nadakip ng NBI  sa bisa ng  warrant of arrest na inilabas  ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC). Si Dera ay naaresto…

Read More

SEGURIDAD NI SEN. DE LIMA TINIYAK NG PNP

delima8

(NI AMIHAN SABILLO) TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na pulido ang magiging takbo ng seguridad ni Senadora Leila De Lima sa mula pag-alis hanggang pagbalik nito sa custodial center sa Camp Crame. Ayon kay PBGen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, masusing pinaghandaan ang security plan sa pagbisita ng senador sa inang may sakit sa Iriga City, Camarines Sur. Nagbigay katiyakan ang PNP sa seguridad ni Senador Leila De Lima sa kanyang pagbisita sa maysakit niyang ina sa Iriga City, Camarines Sur. Hindi naman na nagbigay pa ng  karagdagang impormasyon…

Read More

FURLOUGH NI DE LIMA, ‘DI TUTUTULAN NG DOJ

delima12

(NI HARVEY PEREZ) WALANG balak ang  Department of Justice (DOJ) na  tutulan ang furlough ng nakadetineng si Senador Leila de Lima para makita at mabisita ang may sakit niyang ina sa Iriga City, Camarines Sur dahil sa humanitarian reason. Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na aatasan niya ang mga government prosecutors na huwag nang tutulan ang furlough ni de Lima. Magugunita na  nagpasalamat si de Lima sa mga well -wishers na nagpakita ng kanyang suporta sa kanyang  motion for furlough sa kanyang Tweeter account. “Thank you for all the…

Read More

PAGPATAY SA MGA ABOGADO PINAAAKSIYUNAN

senate22

(NI NOEL ABUEL) PINAIIMBESTIGAHAN ng isang senador ang pagtarget sa hanay ng mga abogado, prosekusyon at huwes sa bansa. Giit ni opposition Senator Leila M. de Lima, na dapat kumilos at hindi na dapat pang magsawalang bahala ang Senado at dapat na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa patuloy na pagdami ng pag-atake sa hanay ng korte. “This escalating and alarming trend and spate of attacks and killings of members of the Bar makes it imperative for the government and law authorities and institutions to conduct a thorough investigation and ensure…

Read More

DEATH PENALTY BUBUHAYIN 

deathpenalty1

(NI NOEL ABUEL) MULING bubuhayin sa Senado ang panukalang kamatayan sa mga mapatutunayang sangkot sa heinous crime sa pagbubukas ng 18thCongress. Sinabi ni Senador Leila de Lima na napapanahon nang ibalik muli sa bansa ang pagpapataw ng parusang kamatayan na tunay na solusyon umano para maiwasan ang mga krimen. “In these times where great powers are concentrated on a single human being who with mere words – God forbid – can masterfully orchestrate a holocaust, we should be ever vigilant, ever firm with our stand against its re-imposition,” sabi ni…

Read More

DFA KINALAMPAG VS 100 PINAY WORKERS

israel

(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ni Senadora Leila de Lima ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na tiyakin na matutulungan ang nasa 100 Filipino workers na nasa Israel na nakatakdang ipatapon pabalik ng bansa. Partikular na tinukoy ni De Lima ang Department of Foreign Affairs (DFA) na kailangang kumilos sa lalong madaling panahon upang masagip ang nasabing mga Pinoy workers at mga anak nito. “I call on the Department of Foreign Affairs to leave no stone unturned in ensuring that the rights of our fellow Filipinos and their children in Israel will…

Read More

DE LIMA HUMILING NA MAKABOTO SA HALALAN

delima12

(NI ROSE PULGAR) DUMALO sa pagdinig sa Muntinlupa Regional Trial Court si Senador Leila De Lima hinggil sa  dalawang kasong umano’y pagkakasangkot ng illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison kasabay ng kahilingan na makaboto ang senador sa nalalapit na midterm elections sa Mayo. Dakong alas -8:30 ng umaga nang dumating si De Lima sa Muntinlupa RTC, na todo-gwardyado ng mga pulis at sundalo. Naging mahigpit ang pagbabantay at maging ang camera ng mga mamahayag ay hinaharangan ng mga bantay. Sa pagdinig, hiniling ni De Lima na siya’y payagan…

Read More