(NI HARVEY PEREZ)
WALANG balak ang Department of Justice (DOJ) na tutulan ang furlough ng nakadetineng si Senador Leila de
Lima para makita at mabisita ang may sakit niyang ina sa Iriga City, Camarines Sur dahil sa humanitarian reason.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na aatasan niya ang mga government prosecutors na huwag nang tutulan ang furlough ni de Lima.
Magugunita na nagpasalamat si de Lima sa mga well -wishers na nagpakita ng kanyang suporta sa kanyang motion for furlough sa kanyang Tweeter account.
“Thank you for all the prayers. Prayers do work. My mom’s condition has improved albeit still precarious on account of her advanced age and over-all weakened state,” ani sa tweet ni de Lima .
Nalaman na naghain ng urgent motion for furlough si de lima sa Muntinlupa Regional Trial Court para humingi ng permiso na mabisita si Norma Magistrado de Lima na napaulat na nasa kritikal na kondisyon bago ang Agosto 15
Nabatid na ang Branch 256, ang humahawak ng kaso ni de Lima na may kinalaman sa iligal na droga noong siya ay kalihim pa ng DOJ.
Ang nanay ng senador ay na diagnose na may dementia.
Si de Lima ay nakadetine sa kasalukuyan sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City at nahaharap sa tatlong kaso ng droga na isinampa ng DOJ prosecutors.
