(NI BETH JULIAN) INAKUSAHAN ng Malacanang ng tahasang panghihimasok sa pamamalakad ng katarungan sa bansa ang resolusyon ng limang senador ng Estados Unidos. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala sa lugar ang resolusyon ng limang US senators na humihiling na palayain na si Senadora Leila de Lima at ibasura ang kaso ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa, gayundin ang pagsusulong ng imbestigasyon ng international community laban sa umano’y kaso ng extra judicial killings (EJK) sa bansa. Ayon kay Panelo, nalilimutan ng limang dayuhang senador na ang Pilipinas ay…
Read MoreTag: de Lima
DE LIMA MULING HUMARAP SA KORTE
(NI ROSE PULGAR) MULING humarap sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 si Senador Leila De Lima sa Muntinlupa City sa muling pagdinig sa kasong kinakaharap nito na may kaugnayan sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, nitong Biyernes. Matapos humarap si De Lima sa pagdinig, sinabi nito na accurate sana ang panibagong “narco list” na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dakong alas- 9:00 ng umaga nang sumalang sa witness stand si NBI Agent Jovencio Ablen Jr., sinabi nito na dalawang beses niyang sinamahan noong 2012 si…
Read MoreEX-LOVER NI DE LIMA MULING INISNAB ANG KORTE
(NI JEDI PIA REYES) IPINAKO-CONTEMPT ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 34 ang dating driver-bodyguard at lover umano ni Senador Leila de Lima matapos tumangging tumestigo laban sa senador. Isasalang sana si Ronnie Dayan sa witness stand laban kay De Lima kaugnay sa kasong disobedience na kinakaharap nito. Gayunman, nuong nakaraang taon pa pinaninindigan ni Dayan na hindi tumestigo laban sa senadora. Iginigiit ni Dayan ang karapatan sa self-incrimination dahil hindi umano siya maaaring tumestigo sa katulad na kaso na kanyang kinakaharap. Kapwa kinasuhan ng disobedience sina De Lima…
Read MorePNP NAGPALIWANAG SA SEGURIDAD NI DE LIMA
(NI NICKE ECHEVARRIA) NILINAW ng Philippine National Police ang alegasyon ng umano’y sobrang higpit ng ipinapataw nilang seguridad kay Senador Leila De Lima sa tuwing dumadalo ito sa mga pagdinig sa korte. Ipinaliwanag ni P/SSupt. Vicente Calanoga, Chief ng Directorial Staff ng PNP Headquarters Support Service, na tanging kaligtasan ng senadora ang kanilang pinoprotektahan at ginagawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho dahil si De Lima ay isang high profile inmate. Kinuwestiyon nina Sister Mary John Mananzan at Ging Deles, dating OPPAP secretary, kasama ang iba pang mga women’s…
Read More‘WALANG MALI SA PAGTRATO KAY SEN. DE LIMA’
(NI JG TUMBADO) WALA umanong nakikitang mali ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa ibinabatong kritisismo ng Commission on Human Rights (CHR) sa pagtrato na ibinibigay nila kay Senator Leila De Lima. Ito ang nilinaw ni Chief Supt. Dennis Siervo, ang Human Rights Affairs head ng pambansang pulisya na anya ay pantay ang kanilang ibinibigay na pagtrato sa lahat ng mga nakaditine sa custodial center sa Camp Crame partikular sa mahigpit na seguridad ng senadora. Nauna nang sinabi ng CHR na hindi akma ang ginagawang paghihigpit kay De Lima at…
Read MoreGOBYERNO DEADMA SA UN NA PALAYAIN SI DE LIMA
(NI NOEL ABUEL) PINUNA ng mga miyembro ng minorya sa Senado ang patuloy na pagmamatigas ng pamahalaan na sumunod sa desisyon ng United Nations Human Rights Council – Working Group on Arbitrary Detention (UNHRC-WGAD) na nag-aaatas na palayain na sa piitan si Senador Leila de Lima. Sa inihaing Senate Resolution No. 1019, ng minority group sa Senado, hiniling ng mga ito kinauukulang ahensya ng pamahalaan na sumunod sa rekomendasyon ng UNHRC-WGAD sa inilabas nitong 13-page Opinion sa 82nd session noong Agosto 24. “The Philippines as a member of the United…
Read MoreKIKO: DE LIMA PALAYAIN NA
HINILING ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na palayain na ang nakakulong na si Senador Leila de Lima. Sa diwa umano ng kapaskuhan, sinabi ni Pangilinan sa gobyerno na dapat na umano’y lumaya si de Lima base na rin sa pakiusap ng United Nationas Human Rights Council’s Working Group on Arbitrary Detention. Si de Lima ay patuloy na nakakulong sa Camp Crame dahil sa mga kaso sa droga na isinampa laban sa kanya. Sa 13-pahinang Opinion, sinabi ng UN council na ‘arbitrary’ at may paglabag sa ilang probisyon ng Universal Declaration…
Read More