POSIBLENG PAGBASURA SA DENGVAXIA CASE IKINABAHALA

deng19

(NI NOEL ABUEL) NANGANGAMBA si Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon na posibleng maibasura lamang ang mga kasong homicide na inihain kaugnay sa dengvaxia controversy. Ipinaliwanag ni Gordon na “dahil hindi pa napatutunayan na may namatay dahil sa dengvaxia vaccine, hindi tatayo sa korte ang kasong homicide.” “Wala pa. Pag lumabas na ang scientific evidence pwede na, kaya ngayon homicide, hindi mo naman ma-prove na namatay dahil sa dengue eh di dismiss ang kaso tapos wala na mababaon na sa limot,” sabi ni Gordon. Idinagdag pa nito na mas…

Read More

DENGVAXIA ISSUE TULDUKAN NA — PALASYO

deng1

(NI BETH JULIAN) DAPAT nang itsapwera na gawing political issue ang kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine dahil nasamapahan na ng kaso ang ilang dating opisyal ng Pamahalaan na sangkot dito. Ito ang apela ng Malacanang sa lahat matapos ang pormal na paghahain ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ng Department of Justice (DoJ) laban kina dating Health Secretary Janette Garin at iba pang opisyal ng Department of Justice (DoJ) dahil sa pagkamatay ng ilang bata dahil umano sa Dengvaxia. Ayon kay Presidential spokesperson Secretary Salvador Panelo, makabubuting itigil nang gawing political issue ang Dengvaxia…

Read More

HEALTH CARE LAW SA NATURUKAN NG DENGVAXIA

deng1

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG masiguro na matulungan habang buhay ang mga naturukan ng dengvaxia, isang panukalang batas ang ihinain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa mga ito. Sa ilalim ng House Bill (HB) 8828 na inakda ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, nais nito na magkaroon ng batas para sa libreng pagpapagamot sa mga nabigyan ng dengvaxia vaccines. Noong panahon ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bumili ng dengvaxia vaccines na naghahalaga ng P3.5 bilyon para protektahan ang mga tao lalo na ang mga bata sa dengue. Dahil…

Read More

TINABLA NG FDA; DENGVAXIA BANNED NA

deng19

(NI DAVE MEDINA) TINULUYAN ng Food and Drug Administration (FDA)  na pawalang bisa ang certificate of product registration (CPR) ng  anti-dengue vaccine na Dengvaxia. Sa Dengvaxia isinisisi ang mabilis na pagkawala ng tiwala ng publiko sa imunisasyon sa mga bata bunsod ng maraming insidente ng kamatayan sa libu-libong kabataang nainiksyunan noong panahon ng Aquino administrasyon Sa naturang pagbawi ng rehistro ng Dengvaxia,, bawal na  ang importasyon, pagbebenta at pamamahagi kahit libre ang  naturang bakuna. “Their failure to comply leaves us no other recourse but to impose the maximum penalty of…

Read More

EX-HEALTH SEC UBIAL IDINAMAY NI GARIN

ubial1

IDINAMAY na ni dating health secretary Janette Garin si dating secretary Paulyn Jean Ubial sa measles outbreak. Sinabi ni Garin na may pagkukulang din sa pangangampanya ng bakuna si Ubial sa kanyang panahon higit noong mainit ang issue sa Dengvaxia. Idinagdag nito na sa halip umanong tumulong si Ubial sa pagpapaliwanag ng pagkakaiba sa mga vaccine ay minabuti nitong manahimik at iwasan ang issue. Sa ngayon ay patuloy na nakatutok ang gobyerno sa paglobo pa ng mga batang nagkakasakit ng tigdas. Patuloy sa pagtanggi ng mga magulang na pabakunahan ang…

Read More

ULO NI ACOSTA HININGI NA SA 70 CASUALTIES SA TIGDAS

acosta

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS pumalo sa 70 ang namatay sa tigdas sa mahigit isang buwan lamang, nararapat na mag-resign na lamang si Public Attorney’s Offce (PAO) Chief Persida Acosta dahil malaki umano ang kasalanan nito kung bakit natakot ang mga tao na magpabakuna. Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, hindi puwedeng maghugas kamay si Acosta sa Measles outbreak na ikinamatay ng 70 biktima dahil kung hindi aniya ito nagpanggap na medical expert ay hindi nawala ang tiwala ang publiko sa bakuna. “Resign,” panawagan ni Villarin kay Acosta sa gitna…

Read More

ACOSTA KAY HONTIVEROS: HINDI IKAW ANG AMO KO!

risa1

(NI TERESA TAVARES) PUMALAG na si Public Attorney’s Office (PAO) Persida Rueda Acosta sa mga pagtuya at batikos na inaani bunsod ng pagbaba ng bilang ng mga bata na nagpapabakuna. Binalewala ni Acosta ang hirit ni Senador Risa Hontiveros na magbitiw na siya sa puwesto sa gitna ng pagkakaroon ng measles outbreak sa ilang rehiyon. Itinuro rin ni Health Secretary Francisco Duque si Acosta na siyang sanhi ng malubhang pinsala sa immunization program ng DOH dahil sa wala umano nitong basehan na akusasyon. Galit na sinabi ni Acosta na hindi niya amo…

Read More

IMMUNIZATION SA MGA BATA GAWING MANDATORY — DOH

tigdas8

PINAG-AARALAN ng Deparment of Health ang posibilidad na gawing mandatory ang immunization sa mga bata kasunod ng deklarasyon ng measles outbreak sa ilang lugar sa bansa. “Pinag-aaralan na natin ang ibang mga bansa na kung saan mayroong mandatory immunization na ang mga magulang dapat dalhin talaga nila ang mga anak nila sa mga health centers,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III. Idinagdag pa ni Duque na mayroong executive order noong 2007 na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nag-uutos na magkaroon ng kumpletong bakuna sa mga bata…

Read More

MAYORS, BGY CAPTAINS, PINAKIKILOS SA MEASLES OUTBREAK

tigdas8

(NI FRED SALCEDO/PHOTO BY EDD CASTRO) INATASAN ng Department of the Interior and Local government (DILG) ang lahat ng alkalde at barangay captain na himukin ang mamamayan sa kanilang lugar na pabakunahan ang kanilang mga anak sa harap ng kinakaharap na measles outbreak sa bansa. Ito ay matapos na magdeklara ang Department of Health ng measles o tigdas outbreak sa Metro Manila sanhi ng pagdami ng mga taong tinatamaan nito. Ayon kay Ano, lubha ng nakakaalarma ang paglobo ng mga batang ngakakasakit ng tigdas dahil sa takot na magpabakuna matapos…

Read More