DFA, PDU30 ‘LAST SAY’ SA UGNAYAN SA ICELAND

dfadu30

(NI BETH JULIAN) ANG Department of Foreign Affairs at si Pangulong Rodrigo Duterte ang magpapasya kung pananatilihin ang ugnayan nito sa Iceland o alinmang bansa. Ito ang binigyan diin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kaugnay sa resolusyon ng 18 bansa sa pangunguna ng Iceland na kumukuwestyon sa mga patayan sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga. Ito ay kasunod na rin ng panukalang pinalutang ng isang senadora at sa umano’y konsiderasyon sa posisyon din ng DFA sa pakikipag ugnayan sa Iceland kasunod ng usapin. Sa personal na opinyon ni…

Read More

DOLE, DFA MABABAWASAN ANG TRABAHO SA DEP’T OF OFW

dfa dole44

(NI BERNARD TAGUINOD) MABABAWASAN ang trabaho at responsibilidad ng Department of Labor and Employment (DOLE)  at Department of Foreign Affairs (DFA) kapag naitatag na ang Department of Overseas Filipino Workers. Ito ang nabatid sa ACT OFW Coalition of  Organization na labis na ikinatuwa ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang maitatag na ang OFW Department bago matapos ang taong 2019. Ayon sa grupo na pinamumunuan ni dating Rep. Aniceto Bertiz III, hihiwalay na sa DOLE ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at  Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Maging ang  Philippine Overseas Labor Offices (POLOs)…

Read More

RESOLUSYON  NG ICELAND SA EJK IBINASURA NG DFA

dfalocsin12

(NI ROSE PULGAR) IBINASURA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang resolusyon ng Iceland  para magsagawa ng imbestigasyon ang United Nation Human Rights Council (UNHRC) sa umano’y nagaganap na  extra judicial killing (EJK)  sa ilalim ng kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte. Ayon kay DFA Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, ni-reject ng Pilipinas ang resolusyon na naging partisan  at one  sided lamang. Sa isang resolusyong inihain ng Iceland, 18 bansa ang pumabor, 14 ang kontra kabilang ang China at 15 and abstain kasama ang Japan. Sinabi kahapon ni Locsin, ito aniya…

Read More

COURTESY DIPLOMATIC PASSPORTS KANSELADO NA

dfalocsin12

TULUYAN nang kinansela ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang 172 courtesy diplomatic passport na inisyu sa mga retiradong ambassadors. Sa panayam, sinabi ni Locsin na ang maaari lamang umanong gawin ng mga may hawak ng naturang passport ay pumunta sa kanyang tanggapan at posibleng mai-renew ito. Nauna nang inihayag ng DFA ang kanselasyon ng courtesy diplomat passports na inisyu sa mga diplomats matapos ang nangyari kay dating Foreign secretary Albert Del Rosario na pinigilan makapasok sa Hong Kong airport. Dadalo sana si Del Rosario sa isang business meeting sa…

Read More

LOCSIN KAY ROBREDO: BOBA!

boba33

(NI ROSE PULGAR) TINAWAG ni Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr.  na “boba” si Bise Presidente Leni Robrero Lunes ng hapon. Sa kanyang twitter account, nanawagan pa si Locsin para sa may magandang-loob na bigyan si Robredo ng utak. “Will someone please do her the kindness to give her a brain? Here I am trying to do what’s right, which is to restrict diplomatic passports to real existing working diplomats so as not to devalue them abroad—and not pass them out as favors to retirees and friends,” ani ni Locsin.…

Read More

P500-K DONASYON NI DEL ROSARIO IPINASASAULI NI LOCSIN

dfa12

(NI ROSE PULGAR) IPINASASAULI ni Foreign Affairs (DFA) Secretary  Teodoro Locsin Jr. ang P500,000 donasyon ni dating Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario para sa 22 mangingisdang Pilipino na binangga ng isang Chinese vessel sa Recto bank. Sa kanyang twitter account, sinabi ni Locsin na lubos siyang nagpapasalamat sa ibinigay na donasyon ng dating kalihim Del Rosario ngunit kailangan nilang isauli ang P500,000 dahil wala naman karapatan ang ahensya na gamitin ang nasabing donasyon. Sinabi ni Locsin na kung tatanggapin nila ang donasyon ay mapipilitan silang i-turn over ito sa…

Read More

DFA WALANG NILABAG SA PAGBAWI SA DIPLOMATIC PASSPORT  

(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nilalabag na anumang batas sa pagkansela ng lahat ng courtesy diplomatic passport kung saan kabilang ang hawak ni dating Foreign Affairs Secretary Alberto Del Rosario. Sa kanyang twitter account nitong Lunes ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sinabi nito na bilang dating undersecretary ng department of foreign affairs hindi masasabing unlawful o labag sa batas ang kanselasyong ito ng diplomatic passports. Ayon kay Locsin, hindi obligado ang DFA na mag-isyu ng mga diplomatic o blue passport. Aniya,…

Read More

DIPLOMATIC PASSPORT BINAWI SA MGA EX- DFA SEC, AMBASSADOR

DAF12

(NI DAVE MEDINA) TULUYAN nang dinesisyunan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkansela sa lahat ng mga courtesy diplomatic passports na ipinagkaloob sa mga dating  foreign affairs secretaries at ambassador makaraan ang insidente sa Hong Kong kung saan hindi pinahintulutang makapasok ng Hong Kong si dating foreign secretary Albert del Rosario. “The DFA Office of Consular Affairs (OCA) will be issuing an order shortly, cancelling all courtesy diplomatic passports, and requiring their surrender for physical cancellation,” anang DFA sa statement, ngayong Sabado. Sa naturang kanselasyon at pagpapasauli ng mga…

Read More

DFA NASA ALERT LEVEL 2 SA SUDAN CRISIS

DAF12

(NI KIKO CUETO) ITINAAS  ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa Sudan kasunod na rin ng patuloy na civil unrest sa Khartoum at ilang mga lugar. Kasabay ito ng babala na huwag bumiyahe sa naturang bansa dahil sa mga kaguluhan. Sa kasalukuyan, ayon sa talaan ng DFA, mayroong 3,000 Filipino na naninirahan o nagtatrabaho sa naturang bansa. Sa ilalim ng kanilang advisory, hindi pinapayagan ang mga Pinoy na magpunta sa nasabing bansa. Ang Alert Level 2 ay inilalabas kung may banta sa mga buhay, security at…

Read More