DIOKNO NO-SHOW SA HEARING SA KAMARA

DIOKNO-2

(Ni BERNARD TAGUINOD) Sulat at hindi mismo si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang dumating sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa kanyang tanggapan. Si Diokno ay pinadalhan nina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at House committee on appropriation Chairman Rolando Andaya Jr., para humarap sa imbestigasyon. Sinabi ni Diokno sa sulat, na bagama’t nais umano nitong makipagtulungan sa Kongreso, iginiit nito ang “…the right of Department of Budget and Management officials and staff to proper notice and a…

Read More

DIOKNO KINASTIGO SA ITINAGONG PONDO

dbm

(NI BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno dahil imbes na ibalik nito sa taumbayan ang kanilang binabayarang buwis ay iniipon niya ito. Ginawa ni House appropriations committee chairman Rolando Andaya Jr., ang pagkastigo kay Diokno matapos aminin ng kalihim na umaabot sa P370 bilyong ng mamamayan ang hindi nagastos ng gobyerno noong 2017. “Hindi trabaho ng gobyerno ang mag-impok sa bangko. Ang buwis ng tao, ibinabalik sa pamamagitan ng serbisyo. Ano yan, pinatutubuan ng interest habang madaming nagugutom…

Read More

SUBPOENA KAY DIOKNO IPINADALA NA NI GMA

Diokno

(NI BERNARD TAGUINOD) NILAGDAAN at naipadala na ni House Speaker Gloria Macapagal ang subpoena ang subpoena laban kay Departmet of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno. Sa kopya ng subpoena ad testificandum na inisyu laban kay Diokno, inaatasan ni Arroyo ang kalihim na dumalo sa pagdinig ng House committee on appropriation ngayong (Biyernes) ng umaga sa Batasan Pambansa. Ipinaalala ni Arroyo kay Diokno ang Section 13 ng Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation ng Kamara na may karapatan ito na asistehan ng abogado. “Failure to comply…

Read More

DIOKNO ISA-SUBPOENA NA NG KAMARA

(NI CESAR BARQUILLA) IPINASA-SUBPOENA na ng House Committee on Appropriations si Budget Secretary Benjamin Diokno matapos hindi siputin ang pagdinig ng komite sa ika-limang pagkakataon. Una nang nag-mosyon si Rep. Vicente Veloso na inaprubahan naman ng komite na pinamumunuan ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., Dahil dito, inoobliga na si Diokno ng Kamara na humarap sa hearing patungkol sa mga isyu sa national budget at sa DBM. Kaugnay nito, nakahanda naman ang Kamara na magpatawag ng pagdinig kahit naka-break na ang sesyon para sa paghahanda sa kampanya sa 2019…

Read More

P50-B PONDO NG GOBYERNO INAAMAG

money100

(NI BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng  bagong pagbubuwis tulad ng second tranche ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, tinatayang  P50 bilyon ang inaamag at hindi ginagamit ng gobyerno. Ito ang naisiwalat sa imbestigasyon ng House committee on appropriations mga transaksyon ng tanggapan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno. Sinabi ni Camarines Sur Rep. Benjamin Diokno na naipon ang pondong ito matapos magsingit umano ng probisyon ang Kalihim sa Implementing Rules and Regulation (IRR) sa Republic Act 9184 o  Government Procurement Reform Act. “An estimated P50…

Read More

BIDDING POWER NG DBM INALIS NA

(NI BERNARD TAGUINOD) INALIS na ang kapangyarihan ng Department of Budget and Management (DBM) na magpa-bidding ng malalaking proyekto sa ilalim ng 2019 General Appropriations Act (GAA). Ito ang kinumpirma ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., sa gitna ng bicameral conference meeting kasama ang mga kinatawan ng Senado sa P3.757 trilyon na 2019 national budget. “This is one of the budget reforms that House conferees on the bicameral committee will push when the discussion on the 2019 budget resumes next week,” pahayag ni Andaya. Magugunita na ibinuko ni…

Read More

KAHIT OUT  NA SI ANDAYA, PAGGISA KAY DIOKNO TULOY

diokno

(NI BERNARD TAGUINOD) TULOY  ang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa flood control projects ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno kahit nagbitiw si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., bilang majority leader. Sa mosyon na inaprubahan sa plenaryo ng Kamara, inaprubahan ang mosyon ni Andaya na ilipat sa House committee on appropriation ang imbestigasyon sa tinagurian ntong ‘flood control scam” mula sa Rules Committee. Nangangahulugan na si Andaya pa rin ang mangunguna sa imbestigasyon dahil siya ang itinalagang chairman ng Appropriation committee matapos magbitiw bilang…

Read More

BILYONES KITA SA ILLEGAL BIDDING INAMIN NI DIOKNO

bid300

(NI BERNARD TAGUINOD) AMINADO na umano si Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno sa media, na totoong ang kanyang tanggapan ang nagpa-bidding sa mga proyekto ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Transportation (DOTr), na umaabot sa P168 billion noong nakaraang taon. “As we conduct our next hearing on Monday, we will even show that the DBM earned billions from these anomalous transactions. All these money, unaccounted for according to COA (Commission on Audit),” ayon kay House Majority Leader Rep. Rolando Andaya Jr. Dahil dito,…

Read More

DIOKNO BUMIGAY; UMENTO IBIBIGAY 

pera

(NI BERNARD TAGUINOD) BUMIGAY si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa panawagang irelease ang 4th and last tranche ng Salary Standardization Law (SSL) 4 isang araw matapos maghain ng “Mandamus” si House majority leader Rolando Andaya Jr., para pilitin itong ipatupad ang salary increase ng mga empleyado ng gobyerno. Ito ang kinumpirma ni Andaya matapos makakuha ng kopya ng dalawang circular na inilabas ni Diokno na nagbibigay otorisason sa mga Local Government Units (LGUs) at Government Owned and Controlled Corporation (GOCCs) na ipatupad na ang 4th tranche ng…

Read More