P6-B PAMASKO SA MAGSASAKA IPINALALABAS NA SA DOF, DA

kiko23

(NI NOEL ABUEL) HINIMOK ni Senador Francis Pangilinan sa Departments of Finance (DOF) at Department of Agriculture (DA) ang pagpapalabas ng P6-bilyong cash compensation para sa mga magsasaka ng bigas ngayong Disyembre. Sa ginanap na  bicameral conference committee meeting, sinabi ng dating Food Security secretary Pangilinan na magandang regalo sa mga magsasaka ang nasabing cash compensation. “Pamaskuhan naman natin ang ating mga magpapalay na nasalanta ng pagbaha ng murang imported rice. Kailangan na nila ng bayad-pinsala ngayon,” aniya. Noong nakaraang buwan, naghain si Pangilinan ng panukalang batas na naghahangad na dagdagan ang…

Read More

2019 BUDGET IPINAGAGAMIT NA SA AHENSIYA NG GOBYERNO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIKAYAT ni Senador Sonny Angara ang mga ahensya ng gobyerno na gastusin na ang kanilang mga natitira pang pondo ngayong taon upang makumpleto ang mga mahahalagang infrastructure at social projects. Ito ay upang makamit ng bansa ang target nitong paglago ng ekonomiya para sa taong 2019. Ginawa ni Angara ang panawagan bilang tugon sa pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) na halos 96 percent na ng P3.662 trilyong national budget ngayong taon ang nailabas na sa pagtatapos ng Setyembre. Itinakda ng economic managers sa 6…

Read More

300% ROAD USERS TAX INCREASE, MAHIHIRAPAN SA SENADO 

cars200

(NI DANG SAMSON-GARCIA) DUDA si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na lulusot sa Senado ang panukalang itaas ng 300% ang Motor Vehicle Users Charge (MVUC) o mas kilala bilang road users tax. Ayon kay Sotto, malinaw na ang muling tatamaan ng dagdag na singil sa buwis na ito ay ang mga vehicle owner na matino namang nagbabayad ng kanilang obligasyon sa gobyerno. “Mahihirapan yan. Yung mga tatamaan dyan yung mga nagbabayad din ng tax na matino,” saad ni Sotto. Bukod dito, sa kasalukuyan ay may pondo pa rin mula…

Read More

DISTRIBUTORS NG ‘ALCOPOPS’  IPATATAWAG SA SENADO

alcopo

(NI NOEL ABUEL) NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Pia S. Cayetano sa ibinebentang flavored alcoholic drinks na tinatawag na “alcopops” na maaaring mabili ng mga kabataan. Ayon sa senador, pagpapaliwanagin nito ang distributors at sellers ng nasabing flavored alcoholic dahil sa unethical at illegal marketing schemes na ginagamit nito para maengganyo ang mga kabataang bumili ng kanilang produkto. “I was very bothered when I found out about it. It’s packaged in a very colorful packaging that is very attractive to kids,” ani Cayetano. Sa ginanap na pagdinig ng Senate Ways…

Read More

PONDO SA ELEKTRISIDAD SA BARMM INIHAHANAP NG DOF

(NI BETH JULIAN) KUMIKILOS na ang Department of Finance (DoF) para mahanapan ng pondo ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa suplay ng kuryente sa mga nasasakupan nitong lugar lalo na ang mga tinaguriang ‘underserved island-provinces’. Sinabi ni Finance Usec. Carlos Dominguez III na nagpulong na sila hinggil dito ni BARMM chief Minister Al Hajj Murad Ibrahim. Dito ay natalakay kung paano mapopondohan ang electrification ng rehiyon. Isa sa posibleng magsilbing source ng funding ayon kay Dominguez ay magmumula sa Islamic Countries sa gitnang Silangan. Ito ayon kay…

Read More

KITA NG BOC LAGPAS NG 3.3% SA TARGET — GUERRERO

customs12

(NI NELSON S. BADILLA) UMABOT sa P53.33 bilyon ang nakolektang kita ng Bureau of Customs (BOC) nitong Abril kung saan lagpas sa P51.604 bilyong target sa nasabing buwan. Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang nasabing koleksyon ay 3.3 porsiyentong iniangat sa target. Labing-apat na porsiyento naman ang iniangat nito mula sa koleksyon noong Abril 2018 na P46.74 bilyon. Ayon kay Guerrero, umaasa ang BOC  na makakolekta ng P51.604 bilyon nitong Abril, “but because of our stringent monitoring and continuing efforts to enhance our revenue collection capabilities, we were able to collect…

Read More

9 KONTRATA SA FOREIGN LOANS REREBYUHIN NG OSG

OSG123

(NI BETH JULIAN) IBINIGAY ng Department of Finance (DoF) sa Office of Solicitor General (OSG) ang lahat ng kontratang pinasukan ng gobyerno kabilang ang loan agreements sa China. Ito ay kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa OSG at Department of Justice (DoJ)  na rebyuhin at pag aralan ang mga kontrata at foreign loans ng bansa at China para matukoy kung may mga paglabag ang mga ito sa Konstitusyon at hindi makabubuti sa mamamayan. Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, nasa siyam na kontrata ang kanilang isusumite sa…

Read More

CLARK INT’L AIRPORT EXPANSION 56% NANG TAPOS — DoF

clark12

(NI BETH JULIAN) INAASAHAN ang mas maagang pagtatapos ng konstruksyon ng Clark International Airport expansion project na nasa ilalim ng Buil Build Build Program ng administrasyong Duterte. Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, inasaahan at target na matatapos ito bago mangalahati ang susunod na taon. Ayon kay Dominguez, sa loob ng dalawang taong planning stage para sa Clark International Airport Expansion project, ay sa panahon lamang ng administrasyon Duterte ito natuloy. Sa ngayon ay nasa 56 porsyento nang tapos ang proyekto na ayon sa DoF, ang pagpapalaki ng nasabing paliparan…

Read More

‘PINAS MALABONG MAHULOG SA DEBT TRAP – DoF

dof101

(NI BETH JULIAN) MALABONG mahulog sa tinatawag na China debt trap ang Pilipinas kaugnay ng pag-utang dito ng pera para pondohan ang Chico Dam project. Sa economic briefing sa Malacanang, nilinaw ni Finance Usec. Bayani Agabin, na hindi ginawang kolateral ang Reed Bank sa pagkakautang ng bansa sa China. Binigyan-diin ni Agabin na ang sinasabi lamang sa memorandum of agreement ay ang mga sumusunod; halimbawa lamang na dumating ang punto na mawalan ng pambayad ang Pilipinas sa pagkakautang nito ay maaring ipambayad ang nakadepositong langis sa Recto Bank. Gayunman, hindi maaring…

Read More