(NI NILOU DEL CARMEN) MINOMONITOR ng Department of Health ang isang pasyento mula Laguna na hinihinalang may Middle East respiratory syndrome (MERS) virus, ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo. Dinala na rin umano ang biktima sa RITM [Research Institute for Tropical Medicine] para sa masusing pag-aalaga. Kasabay nito, pansamantalang isinara ang ilang bahagi ng isang ospital sa Sta Cruz, Laguna dahil sa hinihinalang kaso ng MERS-CoV sa isang pasyente na ipinasok doon. Ayon kay Dr. Rene Bagamasbad, Provincial Health officer ng Laguna, mula madaling araw ng Miyerkoles ay nagpatupad ng temporary…
Read MoreTag: DOH
TINABLA NG FDA; DENGVAXIA BANNED NA
(NI DAVE MEDINA) TINULUYAN ng Food and Drug Administration (FDA) na pawalang bisa ang certificate of product registration (CPR) ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia. Sa Dengvaxia isinisisi ang mabilis na pagkawala ng tiwala ng publiko sa imunisasyon sa mga bata bunsod ng maraming insidente ng kamatayan sa libu-libong kabataang nainiksyunan noong panahon ng Aquino administrasyon Sa naturang pagbawi ng rehistro ng Dengvaxia,, bawal na ang importasyon, pagbebenta at pamamahagi kahit libre ang naturang bakuna. “Their failure to comply leaves us no other recourse but to impose the maximum penalty of…
Read MoreACOSTA IPINAGTANGGOL NI GORDON
(NI NOEL ABUEL) IPINAGTANGGOL ni Senador Richard Gordon si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta laban sa mga nananawagan na pag-resign ito sa posisyon dahil sa usapin ng vaccination program ng pamahalaan. Ayon sa senador, walang dahilan upang bumitiw sa tungkulin si Acosta dahil sa nangyayaring kaguluhan sa programa ng Department of Health (DoH). “Hindi naman ako pabor doon sa resignation dahil at least masigasig siya sa mahihirap. Okay na sa akin ‘yun. Pagbigyan na natin ‘yun,” sabi ni Gordon sa panayam sa radyo. Aniya, ginagawa lamang ni Acosta ang…
Read MoreTAUHAN NG BFP NAGLINIS SA MANILA BAY
(PHOTO BY NORMAN ARAGA) MGA bumbero naman ang lumahok ngayong Linggo sa isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay. Linggo ng umaga ay umaabot sa 175 bombero ang naglinis ng makasaysayang bay. Gamit ang mga pala, binunot ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Metro Manila ang mga dahon at basurang nakabara sa drainage ng look na sakop ng Pasay. Tone-toneladang basura na ang nahakot ng mga government workers at volunteers mula nang magsimula ang rehabilitasyon ng Manila Bay at mga kalapit na lugar nitong Enero 27. Nagsimula nang bumuti ang kalidad ng…
Read MoreNDRRMC, OCD TUTULONG KONTRA TIGDAS
(NI BETH JULIAN) TUTULONG na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Office of Civil Defense (OCD) sa kampanya kontra tigdas. Ayon kay NDRRMC spokesman Director Edgar Posadas, makikibahagi na rin ang kanilang mga tauhan sa information dissemination kaugnay ng immunization program ng pamahalaan. Inatasan na rin ang lahat ng kanilang regional offices na magplano kaugnay ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng sakit. Nilinaw ni Posadas na ang Department of Health (DOH) pa rin ang mangunguna sa pagbibigay ng bakuna laban sa tigdas. “Hindi…
Read MoreACOSTA KAY HONTIVEROS: HINDI IKAW ANG AMO KO!
(NI TERESA TAVARES) PUMALAG na si Public Attorney’s Office (PAO) Persida Rueda Acosta sa mga pagtuya at batikos na inaani bunsod ng pagbaba ng bilang ng mga bata na nagpapabakuna. Binalewala ni Acosta ang hirit ni Senador Risa Hontiveros na magbitiw na siya sa puwesto sa gitna ng pagkakaroon ng measles outbreak sa ilang rehiyon. Itinuro rin ni Health Secretary Francisco Duque si Acosta na siyang sanhi ng malubhang pinsala sa immunization program ng DOH dahil sa wala umano nitong basehan na akusasyon. Galit na sinabi ni Acosta na hindi niya amo…
Read MoreIMMUNIZATION SA MGA BATA GAWING MANDATORY — DOH
PINAG-AARALAN ng Deparment of Health ang posibilidad na gawing mandatory ang immunization sa mga bata kasunod ng deklarasyon ng measles outbreak sa ilang lugar sa bansa. “Pinag-aaralan na natin ang ibang mga bansa na kung saan mayroong mandatory immunization na ang mga magulang dapat dalhin talaga nila ang mga anak nila sa mga health centers,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III. Idinagdag pa ni Duque na mayroong executive order noong 2007 na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nag-uutos na magkaroon ng kumpletong bakuna sa mga bata…
Read MoreBAHAY-BAHAY NA BAKUNA VS TIGDAS PINAPLANO
(NI BERNARD TAGUINOD) IMINUNGKAHI i ng isang mambabatas sa Kamara sa Department of Health (DoH) na magbahay-bahay para sa bakuna ng mga bata sa tigdas upang mapigilan na ang pagdami ng mga nanamatay sa sakit na ito na puwede namang maiwasan. Ginawa ni Albay Rep. Edcel Lagman ang nasabing pahayag dahil nakakaalarma na umano ang casualties sa tigdas kahit may panlaban dito at maiwasan ang pagkamatay ng mga bata. Ayon kay Lagman, mula Enero hanggang Nobyembre 2018 ay umabot umano sa 164 ang namatay sa measles o tigdas at nadagdagan…
Read MoreDENGUE HOTSPOTS SA BUTUAN, 20 BGY APEKTADO
NASA 20 barangay na sa Butuan City ang idineklarang dengue hotspots base na rin sa inspeksiyon na ginawa ng Deparment of Health (DoH)-Caraga. Kasama ang mga local officials, idineklarang dengue hotspots ang Barangay Bading, Libertad, San Vicente, Villa Kananga, Ambago, Mahogany, Obrero, JP Rizal, Limaha, Bonbon, Golden Ribbon, Tandang Sora, Baan Riverside, Agusan Pequeño, Maug, Taguibo, Buhangin, Baan Km. 3, Ampayon at Doongan. Ayon kay Butuan City Councilor Cherry Mae Busa, chair ng Committee on Health ng Sangguniang Panlungsod, ang deklarasyon ay kasunod ng patuloy na pagdami ng mga kaso…
Read More