(NI KEVIN COLLANTES) UMAPELA sa kanilang mga mananakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na huwag sandalan ang mga pintuan ng kanilang mga tren upang makaiwas sa aberya. Ito’y kasunod nang aberya na dinanas ng isang tren ng MRT-3 dakong alas-6:34 ng umaga nitong Miyerkoles sa southbound lane ng Ortigas Station, kung saan napilitan silang magpababa ng may 800 pasahero. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nabatid na ang aberya ay sanhi ng “door failure glitch.” Posible umanong dulot ito nang pagsandal ng mga pasahero sa pintuan…
Read MoreTag: DOTr
GROUNDBREAKING CEREMONY NG MM SUBWAY SA PEB 27
(NI KEVIN COLLANTES) MAGANDANG balita. Sa Pebrero 27, Miyerkoles, ay isasagawa na ng Department of Transportation (DOTr) ang groundbreaking ceremony para sa kontruksiyon ng Metro Manila Subway, na kauna-unahang subway sa bansa. Inaasahang si Transportation Secretary Arthur Tugade ang mangunguna sa naturang groundbreaking ceremony. Ayon sa DOTr, ang Metro Manila Subway ay hindi lamang magiging kauna-unahang underground railway ng Pilipinas, kundi isa rin sa pinaka- expansive. May habang 36 kilometro, ang Metro Manila Subway ay magkakaroon ng 15 istasyon mula Quirino Highway hanggang NAIA Terminal 3 at FTI. Nakakasakop rin…
Read MoreMETRO MANILA SUBWAY UUMPISAHAN NA
(NI KEVIN COLLANTES) MAGANDANG balita dahil sa susunod na linggo ay sisimulan na ng pamahalaan ang konstruksiyon ng kauna-unahang subway sa bansa. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang mangunguna sa idaraos na groundbreaking ceremony sa naturang proyekto, na tinatawag na Metro Manila Subway Project, sa Miyerkoles, Pebrero 27. Sinabi ng DOTr na ang proyekto ay may 15 istasyon, mula sa Quirino Highway hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at FTI. Target umano nilang bago matapos ang taong 2022 ay matapos…
Read MorePROTEKSIYON SA MGA TURISTA OK SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na bubuo ng intergovernmental task force para sa proteksyon at assistance sa mga turista sa bansa. Batay sa House Bill 8961 na iniakda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, kinikilala ang sektor ng turismo bilang major contributor sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Nakasaad sa panukala ang pagtatatag ng Tourist Protection and Assistance Task Force na mangangasiwa sa pagkakaroon ng directional signages sa tourist facilities, pagpapakalat ng multilingual travel and tourism information at promotional materials. Magkakaroon rin ng…
Read MoreRUTA NG TUTUBAN-MALOLOS TRAIN UUMPISAHAN NA
(NI KEVIN COLLANTES) PORMAL nang sinimulan Biyernes ang puspusang konstruksiyon ng Phase 1 ng Philippine National Railways (PNR) Clark Railway Project, na siyang magdudugtong sa Tutuban, Manila at Malolos sa Bulacan. Mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang nanguna sa idinaos na groundbreaking ceremony ng naturang proyekto, na bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) Extension Project. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), target nilang makumpleto ang konstruksiyon ng proyekto sa taong 2021. Sinabi ng DOTr na sa sandaling matapos ang proyekto ay inaasahang mas magiging mabilis at maginhawa na ang…
Read MoreBYAHENG MANILA-ANTIPOLO 30-MINUTO NA LANG SA 2020
(NI KEVIN COLLANTES) MASAYANG ibinalita ng Department of Transportation (DOTr) na malapit nang umigsi sa 30-minuto ang biyahe mula Maynila hanggang Antipolo City. Ito’y dahil malapit nang matapos ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) Masinag Extension project. Ayon sa DOTr, sa ngayon ay 57 porsiyento nang tapos ang proyekto, habang fully finished na ang viaduct nito. Target umano ng DOTr na tuluyan nang matapos ang proyekto sa taong 2020. Nabatid na ang naturang proyekto ay ekstensiyon ng LRT-2 na nagdudugtong sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Santolan…
Read MoreMRT-3 NAGPALIWANAG VS ‘LIQUID BOMB’ SA COMMUTERS
(KEVIN COLLANTES) NAGPALIWANAG na ang Department of Transportation -Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) hinggil sa ginawa nilang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad at pagbabawal sa pagpapasok ng mga likido sa kanilang mga istasyon at mga tren.Ayon sa DOTr-MRT-3, isang email na nagbabanta na pasasabugin ang MRT-3 ang kanilang natanggap noong Enero 3 sanhi upang kaagad silang makipag-ugnayan sa pamunuan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) upang matunton ang pinagmulan nito. Dito na rin umano sila nagpasyang magpatupad ng mas mahigpit na seguridad dahil sa pangambang…
Read MoreDOTr SUMAGOT SA ‘BASHERS’ NG MRT, LRT
(NI KEVIN COLLANTES) HUMIHINGI ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) ng pang-unawa at kooperasyon mula sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at LRT, hinggil sa ipinatutupad nilang pagbabawal sa pagdadala ng bottled water at iba pang likido sa mga tren. Ipinaliwanag ni DOTr Communications Director Goddess Hope Libiran na ang kanilang paghihigpit ay para rin naman sa kaligtasan ng lahat ng mga pasahero, kaya’t humihingi sila ng pang-unawa sa mga ito. Ayon kay Libiran, hindi na baleng maghigpit sila…
Read MorePUBLIKO PINAG-IINGAT SA PEKENG FB PAGE NG LTO
(NI KEVIN COLLANTES) PINAG-IINGAT ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko laban sa isang Facebook page na nagpapanggap na pagma-may-ari ng License Division ng Land Transportation Office (LTO). Batay sa inilabas na advisory ng DOTr, nilinaw nito na peke at ‘scammer’ lamang ang naturang FB account na Land Transportation Office (LTO)-License Division. “WARNING: This page, “Land Transportation Office License Division,” is not the official account of the Land Transportation Office (LTO). This page is a SCAMMER,” babala pa ng DOTr. Sa naturang pekeng FB account, tinatawagan ang mga may-ari…
Read More