MALAKI ang posibilidad na bawiin din ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Estados Unidos. “The way his body language says, mukhang ayaw niya na rin niyan. Kasi considering na sinasabi niya na it’s about time to stand on our own, strengthen our resources, our capabilities of defending our country,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Ang pahayag na ito ni Sec. Panelo ay matapos na pormal na ipaalam ng Pilipinas sa gobyerno ng Estados Unidos ang intensyon ni Pangulong Duterte na tapusin na ang Visiting Forces Agreement (VFA), na nagsisilbing…
Read MoreTag: DUTERTE
Ibinunyag sa Senado ng inabusong Taiwanese EX-ADVISER NI DIGONG PROTEKTOR NG POGO?
PINANGALANAN sa Senado ng isang babaeng Taiwanese ang umano’y protektor ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa na isang Michael Yang. Sinabi naman ni Senador Risa Hontiveros na inaalam pa nito kung ang tinukoy na Michael Yang ng nasabing Taiwanese woman ay ang dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pangalan ding Michael Yang. “Right now, our main concern is the humanitarian aspect. We haven’t gone to the checking of identities,” sabi ng senador. Lumutang sa Senado ang biktimang si Lai Yu Cian, 23-anyos, upang ireklamo ang…
Read MoreSOLONS KINATIGAN ANG AKSYON NI DIGONG; PINOY WALANG PAKINABANG SA VFA
SA bihirang pagkakataon, pinuri ng militanteng mambabatas ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) dahil wala umanong naging pakinabang dito ang sambayanang Filipino. Sa panayam ng Saksi Ngayon kay ACT party-list Rep. France Castro, kinatigan nito ang desisyon ni Duterte na ibasura ang VFA dahil tanging interes ng Amerika ang pinoproteksyunan nito at hindi ang mga Filipino gayung dito nagtatayo ng pasilidad at nagsasanay ang puwersa ng Amerika. “Wala naman talaga tayong pakinabang sa VFA na iyan kaya tama si Presidente Duterte,…
Read MoreAtake sa ABS -CBN BAHAGI NG SHAKEDOWN VS OLIGARKO – PM
NANINIWALA ang Partido Manggagawa (PM) na ang pagpapasara sa ABS-CBN Corporation ay “bahagi ng political shakedown” ng administrasyon laban sa mga “orligarkong pinaniniwalaang kalaban ni Pangulong Rodrigo Duterte.” Sabi ni Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng PM, hindi solong kaso ng pag-atake ni Duterte sa mga oligarko ang nangyayari ngayon sa ABS-CBN. Bukod sa mga Lopez na siyang may-ari ng ABS-CBN, binanatan din ng Pangulo ang mga Ayala dahil sa Manila Water Company Inc., si Manny V. Pangilinan para sa Maynilad Water Services Inc. at pamilya Prieto ng Philippine Daily Inquirer (PDI).…
Read MoreTERMINATION NG VFA IPINARATING NA SA US
PORMAL nang naabisuhan ng Pilipinas ang Estados Unidos kaugnay sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-terminate ang Visiting Forces Agreement (VFA) na nilagdaan noong 1998. Kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Lunes, Pebrero 10, na sabihin kay Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin na ipadala na ang notice of termination ng VFA sa gobyerno ng Estados Unidos. Iniulat kahapon ni Sec. Locsin na “Deputy Chief of Mission of the Embassy of the United States has received the…
Read MoreUNANG KASO KINUMPIRMA NG DOH; PINAS NAPASOK NA NG 2019 N-COV
KINUMPIRMA ng Department of Health na positibong may kaso na ng 2019 novel coronavirus sa bansa. Sa press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, isang 28- anyos na babaeng Chinese mula sa Wuhan, China ang kumpirmadong may dala ng virus sa bansa na dumating sa Maynila noong Enero 21 mula sa Hong Kong. Ang pasyente, na nagpa-check up noong Enero 25 matapos makaranas ng pag-ubo, ay nilalapatan ng lunas sa isang pampublikong pagamutan. Nakumpirma na positibong infected ng N-CoV ang babaeng Chinese matapos maisagawa ang laboratory test sa…
Read MorePINOY TIWALA PA RIN KAY PDU30
SA kabila ng mga naglipanang kritiko ay mayorya pa rin ng mga Filipino ang tiwala at nagmamahal kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa pag-aalala sa kalusugan nito. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang pag-aalala ng nakararaming Pinoy sa Pangulo ay patunay lamang na mahal nila ang Presidente. Lumabas kasi sa 2019 fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) na 72 porsiyento ng mga Filipino ang “worried” sa kalusugan ni Pangulong Duterte. Ani Sec. Panelo, hindi man aniya kasing-lakas ng kalabaw si Pangulong Duterte, o kasing-bata ng iba,…
Read MoreMENSAHE NI PDU30 SA CHINESE NEW YEAR: MAS MATIBAY NA RELASYON SA CHINA
IPINAABOT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang ‘warmest greetings and best wishes’ para sa mga Tsinoy na nagdiriwang ngayon ng kanilang Chinese New Year. Sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Duterte na ang katotohanan na niyakap na rin ng mga Filipino ang Chinese New Year celebration at taunang nagdiriwang na rin nito ay nagpapakita lamang ng malakas at hindi mapaghiwalay na magandang pagkakaibigan at beneficial relations ng Pilipinas at China. Umaasa rin ang Chief Executive na sa pagbubukas ng bagong pahina ng mga Filipino at Chinese…
Read MoreAYALA AT MVP SWAK SA PLUNDER — DUTERTE
Kapag napatunayan, Drilon kakasuhan din (Ni: NELSON S. BADILLA) KAHIT mayroong bagong kontrata na iaalok ang pamahalaan sa Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc., hindi inaatras ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang plano na sampahan ng kasong “plunder” o “syndicated estafa” ang mga may-ari at namamahala ng dalawang kumpanya. Kumbinsido si Duterte na “swak” ang magkapatid na sina Fernando Zobel de Ayala at Jaime Augusto Zobel de Ayala II, ang mga may kontrol ng Ayala Corporation na siyang may-ari at namamahala ng Manila Water at si Manny…
Read More