AYALA, PANGILINAN GANID — PDU30

DUTERTE-AYALA-PANGILINAN-2

Muling inupakan dahil mistulang walang kabusugan MULING nakatikim ng birada mula kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga negosyanteng sina Fernando Zobel de Ayala at Manny Pangilinan. Sa briefing ng Pangulo kaugnay ng sitwasyon sa Taal, Batangas, muli nitong ibinulalas sa publiko ang ngitngit sa Manila Water at Maynilad na aniya’y tila walang kabusugan dahil patuloy na pinagkakakitaan ang kanilang negosyong tubig. Gaya nang ipinangako sa publiko, inihatag ng Pangulo ang aniya’y mga big fish na nasa likod ng naranasang kawalan ng suplay ng tubig sa nagdaang mga buwan dahil…

Read More

KASO SA ICC LABAN KAY DU30 INURONG NA

Atty Jude Sabio

INIATRAS na ng isa sa mga nagreklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kasong crimes against humanity na kanilang isinampa sa International Criminal Court (ICC). Kinumpirma ni Atty. Jude Sabio, abogado ng confessed hitman na si Edgar Matobato, na sumulat na siya kay ICC prosecutor Fatou Bensouda “regarding my intention to withdraw my earlier ICC communication.” Kahapon, nag-execute ng affidavit si Sabio kasama ang kapwa abogado na si Larry Gadon kaugnay ng kanyang pag-urong sa kaso laban kay Pangulong Duterte. “I am set to submit it personally with the ICC…

Read More

AKTIBIDAD NI PDUTERTE IPINAGPALIBAN

duterte15

BUNSOD ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal ay kinansela kahapon ng Malakanyang ang official schedule ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakatakda sana ngayon, Enero 14. Nakatakda sanang pangunahan mamayang hapon ni Pangulong Duterte ang event na Distribution of Benefits to Rebel Returnees sa San Isidro Civic Center (SICC), San Isidro, Leyte. Layunin naman ng pagkansela at muling pagtatakda sa ibang araw ng nasabing event ay ang tiyakin na ligtas ang pagbyahe at maayos ang preparasyon ng mga opisyal na may kinalaman sa engagement na ito ng Pangulo sa…

Read More

KONTRATA NG WATER FIRMS IPAPASA SA CRONIES?

DUTERTE CRONIES

(Ni: NELSON S. BADILLA) IBINUNYAG ng isa sa mga malaking samahan ng mga manggagawang Filipino ang pinaniniwalaan nitong ‘masamang plano’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbira sa dalawang kumpanyang may kontrol sa negosyong distribyusyon ng tubig sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan. Ayon kay Leody de Guzman, tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), malaki  ang kanilang duda na kaya binibira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korporasyong hawak ng mga Ayala at Pangilinan ay para agawin at ibigay sa kanyang mga malapit na kaibigan o cronies.…

Read More

REP. VELASCO APRUB SA DRUG WAR NI DUTERTE

REP VELASCO-3

Ama isinabit ni De Lima sa ilegal na droga (PFI Reportorial Team) IPINAGTANGGOL ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang anti-drug campaign ng Duterte Administration sa harap ng pagbatikos dito ni Vice President Leni Robredo. Katwiran ni Velasco, 79% ng Pinoy ang satisfied sa anti-drug campaign batay na rin sa Social Weather Station (SWS) survey. Banggit pa ng kongresista, mula nang ilunsad ang drug war noong 2016 ay naging mas ligtas ang mga kalsada at mas nararamdaman ng mga Filipino ang sense of security. Sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan)…

Read More

113 EKTARYANG KAGUBATAN MASISIRA SA KALIWA DAM

kaliwa dam33

(NI BERNARD TAGUINOD) TINATAYANG aabot sa 113 ektaryang kagubatan ang masisira sa sandaling ituloy ng gobyerno ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam na popondohan ng China sa halagang P12.5 Billion. Ito ang napag-alaman sa Bayan Muna party-list group sa Kamara na mahalaga sa kalikasan lalo ngayong lumalala ang climate change, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. “The construction of the Kaliwa Low Dam will destroy 113 hectares of forest reserves within the already critical Kaliwa Watershed,” ayon kina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Rep. Eufemia Cullamat. Hindi pa…

Read More

DESISYON NI DUTERTE SA DEPLOYMENT BAN HINIHINTAY

duterte32

(NI NOEL ABUEL) DAPAT hintayin ng lahat ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung tuluyan nang ipagbawal ang pagpapadala ng mga domestic worker sa bansan Kuwait. Ayon kay Senador Christopher Bong Go kailangang hintayin ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isyu. Paliwanag ni Go, binabalanse ni Duterte ang mga mawawalan ng trabaho sa deployment ban at kailangang matiyak ang kapakanan ng nakararami. Nilinaw ni Go na hanggang walang kautusan ang Pangulo ay tuloy ang planong pagtungo nito sa Kuwait ngayong unang bahagi ng taon. Iginiit ng senador na mula…

Read More

DUTERTE BUO ANG TIWALA SA PNP – SEC. AÑO

(NI AMIHAN SABILLO) HINDI nawalan ng tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP). Ito ang binigyang diin ni DILG Sec. Eduardo Año sa isang phone interview sa mga mamahayag sa Camp Crame nitong Biyernes kaugnay ng hindi parin pagtatalaga ng Pangulo ng permanenteng PNP Chief. Ayon kay Año, nahihirapan ang Pangulo na pumili mula sa tatlong  nangungunang kandidato na malapit sa kanya at gustong pag-aralang mabuti ang kakayahan ng mga kandidato. Aminado naman si Año na ‘disappointed’ ang Pangulo sa nangyaring isyu sa ninja cops.…

Read More

PAGDINIG SA PRANGKISA NG ABS-CBN ITUTULOY SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) IBINASURA ng chair ng House committee on legislative franchise ang alegasyon na ginigipit at nais kontrolin ng administrasyong Duterte ang media sa kaso ng prangkisa ng ABS-CBN. Sa pahayag, sinabi ni Palawan Rep. Franz Alvarez na itutuloy ng mga ito ang pagdinig sa mga panukalang batas para sa ektensyon ng prangkisa ng nasabing tv network pagbalik ng mga ito sa trabaho simula Enero 20. “But we should all be reminded that under the law, the grant of a franchise is not a right, but a privilege. This…

Read More