(NI CHRISTIAN DALE) NGAYON pa lamang ay nangangako na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko ng ‘fair and honest’ na 2022 presidential election. Ani Pangulong Duterte, bagama’t malayo pa ang nasabing halalan ay makaaasa na ang publiko na magiging malinis ang eleksyon gaya nang tumakbo siya noong 2016. “It’s too far away to be speculating or talking about it but I’m on my way out. What can I assure you, ladies and gentlemen, that it will be a clean election during my time,” ayon kay Pangulong Duterte sa Sarangani…
Read MoreTag: elections
P1-M ‘PAMBILI’ NG BOTO INABANDONA SA ZAMBO DEL SUR
HIGIT sa P1 milyong na sinasabing ipambibili ng boto ang natagpuang abandonado sa Barangay Dapiwak, bayan ng Dumingag town sa Zamboaga del Sur. Nakalagay ang P1.056 milyon sa isang paper bag sa tabi ng abandonadong bahay bago magtanghali nitong Sabado. Sinabi sa report na isang hindi nagpakilalang phone caller ang nagpaabot hinggil sa mga umaaligid na kalalakihan sa lugar bandang alas-9 ng umaga, ayon kay 1st Lt. Abner Pilando, commander ng Alpha Company. Sinabi pa ng caller na ginugulo umano sila ng mga armadong kalalakihan dahilan para humingi na sila…
Read MorePALASYO UMAPELA SA MGA POLITIKO
(NI BETH JULIAN) UMAPELA ang Malacanang sa mga kandidato mula sa iba’t ibang partido na panatilihing maging tapat, maayos, mapayapa at kapani-paniwala ang halalan sa bansa ngayong Mayo 13. Kasabay nito, hinikayat din ng Malacanang ang mga botante na makiisa at gamitin ang karapatan na iluklok ang nararapat na manungkulan para sa ikabubuti ng kanilang lugar at ng bansa. “Nananawagan kami sa lahat ng Filipino na may karapatang bumoto na pairalin ang kanilang kapangyarihan na mag-participate in this healthy democratic exercise as we call on all candidates across the political…
Read MorePICC, CUNETA ASTRODOME BANTAY-SARADO NA
(ROSE G. PULGAR) TINUTUTUKAN ngayon ng Pasay City Police ang Philippine International Convention Center (PICC) na magsisilbing lugar para sa national canvassing ng Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Police Colonel Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, may mga naka-deploy nang mga pulis sa paligid ng PICC, partikular sa The Forum facility, upang matiyak ang seguridad hanggang sa mismong araw ng botohan at panahon ng canvassing ng mga balota. Bukod sa PICC, sinabi ni Yang na magiging bantay-sarado rin ng Pasay Police ang Cuneta Astrodome na itinalagang canvassing area…
Read MoreAPELA NI PDU30: PANANAKOT SA BOTANTE ‘WAG PAIRALIN
(NI BETH JULIAN) UMAPELA si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga kandidato na huwag pairain ang pananakot o harassment para makakuha ng boto. Babala ng Pangulo, siya ang makakabangga ng mga politikong manggigipit ng mga botante sa Lunes. Ayon sa Pangulo, marapat lamang hayaan ang mga botante na makapamili ng mga kandidatong gusto nilang iluklok sa puwesto bilang bahagi ng demokrasya. Iginiit ng Pangulo na kailangang masunod ang batas sa halalan upang maiwasan ang anumang problema. Nangako rin ito na hindi niya hahayaan ang maruming eleksyon sa ilalim ng…
Read MorePANINIRA NG KRITIKO ‘DI HAHANTONG SA FAILURE OF ELECTION
(NI BETH JULIAN) TINIYAK ng Malacanang na hindi hahantong sa failure of election ang paninira ng mga kritiko ng administrasyon sa pamamagitan ng pagpapakalat ng fake news tulad ng ‘Bikoy’ video. Sinabi ni Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar, kung mga disinformation lamang ang kailangang labanan para magkaroon ng patas at malinis na halalan, madali lamang aniya itong pigilan. Sinabi ni Andanar na sa tulong ng mainstream media at pakikiisa ng mga botante ay hindi magtatagumpay ang mga nagpaplanong isabotahe ang nalalapit na halalan. Paliwanag ng kalihim, kung magkakaroon…
Read MoreMAS MARAMING BABAENG WAGI DASAL SA ELEKSIYON
(NI BERNARD TAGUINOD) UMAASA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mas maraming babaeng kandidato sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno ang mananalo sa darating na eleksyon. Kasabay nito, umaasa din si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na matigil na ang pagbibiro ng mga lider ng bansa tulad ng rape na nakakasakit sa damdamin ng mga kababaihan. “Sana mas marami pang mahuhusay at marangal na babae ang mahalal sa pwesto para maisulong ang kapayapaan at kaunlaran. Sana ang pagbibiro ng rape, pambabastos ng babae at pangaabuso ng kapwa dahil sya…
Read More