PRESYO NG BIGAS BUMABA NG 2%; PALAY BUMAGSAK NG 37%

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG bumaba ng dalawang porsyento ang presyo ng bigas dahil sa Rice Tariffication Law, bumagsak naman ng 37% ang presyo ng palay simula nang ipatupad ang nasabing batas noong Marso. Ito ang naisiwalat sa plenary debate sa budget ng Department of Agriculture (DA) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya talo umano saan mang anggulo ang mamamayan sa nasabing batas. Sa interpelasyon ni Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat, inamin ng DA, sa pamamagitan ni Nueva Vizcaya Rep. Luisa Cuaresma, na umaabot lang sa 2% ang ibinaba ng presyo…

Read More

P2-B DAGDAG NA PONDO PAMBILI NG PALAY NG FARMERS

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng karagdagang P2 billion ang National Food Authority (NFA) na pambili sa palay ng mga magsasaka sa mas mahal na presyo kumpara sa mga pribadong traders. Ito ang tiniyak ni House Speaker Allan Peter Cayetano sa ambush interview sa gitna ng deliberasyon sa 2020 national budget sa Kamara upang mas marami umanong magsasaka ang matulungan ng gobyerno. “Definitely not lower than P9 billion, but we’re looking for much more,” ani Cayetano kaya magkakaroon ng realignment sa pambansang pondo subalit hindi pa tinutukoy kung saan ahensya ito…

Read More

FARMERS UUNLAD SA RICE TARIFF LAW? ILUSYON! — SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) NAUWI sa ‘ilusyon’ ang layon ng Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law na mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka dahil ito ang naging dahilan kung bakit lalong nabaon sa kahirapan ang mga magsasaka. Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa kanyang privilege speech kaugnay ng naging bagong  kalagayan ng mga magsasaka sa bansa dahil sa nasabing batas. “Unang-una sa lahat, nais ng kinatawang ito na basagin ang pag-iilusyon ng gobyerno na ang Rice Tariffication Law ay nakakatulong at para sa mga magsasaka. Sa…

Read More

P28B RICE SUBSIDY NG 4Ps IPAGAGAMIT SA FARMERS

(NI NOEL ABUEL) DAPAT nang gamitin ng pamahalaan ang P28 bilyon pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para ipambili ng bigas sa mga magsasaka. Ito ang panawagan ni Senador Cynthia Villar sa Department of Social Welfare Development (DSWD) kung saan dapat aniyang ikonsidera na bigyan ng bigas ang mga benepisyaryo ng 4Ps para makatulong sa suliranin ng mga magsasaka. Paliwanag pa ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, maliban sa health and education grants, may karapatan umano ang mga 4Ps household-beneficiaries na makatanggap ng 20 kilo ng bigas…

Read More

RICE TARIFF LAW NAIS BAGUHIN; P13-B AYUDA IBIBIGAY SA FARMERS

kiko23

(NI NOEL ABUEL) PINAAAMYENDAHAN ng isang senador ang Rice Tariffication Law bilang solusyon sa dinaranas na paghihirap ng mga magsasaka sa buong bansa dahil sa mababang presyo ng palay. Ayon kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan kailangan ang agarang tulong ng mga magsasaka kung kaya’t nagdesisyon itong ihain ang resolusyon na naglalayong pag-aralan muli ang nilalaman ng Rice Tariffication Law. Kasabay nito, ipinanukala rin ni Pangilinan ang pagkakaloob ng P13 bilyong cash assistance sa mga magsasaka na kukunin sa P4 bilyon ng P10 bilyong nakalaang pondo sa Rice Competitiveness Enhancement Fund…

Read More

GALIT NG HIGIT 2-M MAGSASAKA SASABOG NA

(NI BERNARD TAGUINOD) ITINUTURING ng isang lider ng militanteng grupo na posibleng natatakot ang gobyerno sa tinatawag na ‘social volcano’ o ang pagsabog ng mga magsasaka, sa P15,000 na pautang sa mga ito matapos malugmok sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law. Ginawa ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang pahayag matapos ilunsad ang Survival and Recovery Assistant Program for Rice Farmers (SURE-AID) kung saan pauutangin ng tig-P15,000 ang mga magsasaka na babayaran sa loob ng 8 taon na walang interes. “In order to pacify the looming…

Read More

VILLAR BIG WINNER SA PAGMASAKER SA MAGSASAKA

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong panalo sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law, ito  ay walang iba kundi si Senate Agriculture committee chairperson Senador Cynthia Villar na siyang sponsor sa nasabing batas. Ito ang alegasyon ng mga magsasaka na sumugod sa Batasan Pambansa nitong Lunes upang hilingin sa mga kongresista na ibasura na ang nasabing batas dahil minasaker nito ang mga local na magsasaka. “The biggest winner of the law’s implementation is Senator Cynthia Villar, the sponsor of the law and the chair of the Senate Committee on…

Read More

RICE TRADERS GANANSIYA; MAGSASAKA PURDOY SA TARIFF LAW

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong higit na nakinabang at yumayaman sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law ay walang iba kundi ang mga rice traders lalo na ang mga importers. Ito ang pahayag ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao matapos hindi tinupad ng mga rice importers ang pangako sa nasabing batas na bababa ng P7 ang bawat kilo ng bigas sa merkado. “Present prices are only around P2 per kilo lower compared to previous year’s prices or a measly quarter of the promised P7 per kilo decrease…

Read More

LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA FARMERS, MANGINGISDA

farmers12

(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong dapat buhusan ang Land Bank of the Philippines (LBP) ng malaking porsiyento ng kanilang pautang ay ang mga magsasaka at mangingisda upang mapaunlad ang sektor na ito na mahalaga sa ekonomiya ng bansa. Ito ang iginiit ni 1PACMAN party-list Rep. Mikee Romero sa kanyang House Bill (HB) 183, matapos matuklasan na 45.4% lamang sa kanilang pautang noong 2017 ang napunta lang sa magsasaka at mangingisda gayung ang nabanggit na sektor ang dahilan kung bakit naitatag ang nasabing bangko. “It seems the universal banking and government…

Read More