Federalismo ang susi sa pag-asenso sa bansa at masolusyunan ang pumapalawig na pagkakalayo ng kita ng iilan kumpara sa mga ordinaryong mamamayan. Ito na ang sagot upang mapahina ang kontrol ng oligarkiya sa pamahalaan at mapaigting ang kapangyarihan ng mamamayan sa pamamagitan ng pag-eestablisa ng mga estado na magkakaroon ng kanya-kanyang Konstitusyon at mga representante at mga senador. Sa federalism ay magkakaroon ng mas malaking pondo ang mga rehiyon at hindi na makokopo ng isang naghaharing pamahalaan. Maliit na porsyento na lamang kasi ang mapupunta sa kita ng mga lalawigan…
Read MoreTag: For the Flag
PANAHON NG MGA LOBO
Tayo ay nasa panahon ng bangis at kalupitan. Nahubaran na ang mga demonyo at duguan na, lumabas ang bangis, ang mga lalamunan ay lalong nauhaw sa dugo at ang mga pinatalim na pangil ay lalong nagutom sa laman. Buhay sa buhay ang palitan, dugo sa dugo ang salukan, laman sa laman ang suklian. Ang panganib ay hindi lamang sumasakmal sa gabi, maging sa araw sa harap ng maraming tao. Ang katahimikan ng mga gabi naman ay hinahati ng mga panaghoy ng mga kamatayang nilulunod lamang ng mga businang nabalaho sa…
Read MorePOLITICAL CAPITAL
ITO ay para sa mga opisyal ng pamahalaan, upang magamit nang wasto at malubos ng mga mamamayan ang political capital ng mga nakapwesto para sa iba’t ibang posisyon. Gamitin ang political capital upang maalis ang kagutuman sa lipunan. Nasa 50 milyon na mga Filipino ang nakararanas ng matinding kagutuman o sumasablay sa pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Gamitin ang political capital sa pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa. Nasa 35 milyon na mga Filipino ang hindi sumasahod nang sapat. Nararapat na itaas ang minimum wage sa buong bansa, ito ang isa sa…
Read MoreBAGONG BUHAY SA 2020
Ang 2020 ay punom-puno ng pag-asa para sa maraming Filipino. Ito ay nangangahulugan ng pagsisimula, ng paghuhubad ng mga nakaraang pagkakamali at nang maging pagpapatawad. Hindi na minsan lamang na nagsisi, tinanaw ang kakapusan sa nakaraang taon, mga pagkakataong hindi napagtuunan ng tamang atensyon, mga pagsubok na lalo pang nagpalakas sa pananampalataya, mga kaibigang napatunayang tunay at mga pagpupun-yaging kundi man hinitik ng biyaya ay biyaya na rin dahil may natutunan. Ang mga Filipino ay likas na lumalaban sa buhay ng may pagtitiis, ngiti at tuwa maging sa gitna ng mga hambalos ng buhay. Ganyan ang Filipino, parang kawayan na yuyukod sa…
Read MoreRASYON SYSTEM IBALIK SA MGA PIITAN
Maaaring nararapat nang ibalik ang rasyon system sa mga piitan sa buong kapuluan upang mawala na ang umano’y korapsyon sa ginagawang catering system kung saan nakukopo lamang umano ng napapaborang bidder ang mga kontrata. Sandamakmak ang natatanggap nating mga reklamo mula rin sa mga kamag-anakan ng mga nakapiit sa ating mga penal colony sa bansa. Anila, ni hindi naman talaga makain din ang mga pagkaing isinusuplay sa kanila ng pinaborang caterer. Sa isang email naman, nakatanggap ako ng statement mula sa isang non-government organization na kumukondena sa umano’y korapsyon diyan sa Bureau of Corrections (BuCor). Heto…
Read MoreANG KATAPATAN SA DIYOS
MALALAMAN ng bawat tao kung ano talaga siya kapag siya ay nag-iisa. Ang pinaka-tunay na sarili ay masusumpungan sa pagkakataon ng pag-iisa. Nakikita ng Panginoon ang lahat, ang lakas at kahinaan ng bawat tao. Walang maitatago. Ang pinakamagaling man na magsinungaling ay hindi makapagtatago sa langit. May katapat ang lahat ‘ika nga. “Ang nabubuhay sa tabak ay mamamatay sa tabak,” wika ni Hesus. Sino nga ba ang makapagtatago ng kanyang krimen? Wala. Nakatutok ang mga mata ng langit sa bawat nilalang, walang detalye na nakakawala. Maging ang mga nagpapanggap na…
Read MoreCATHOLIC SCHOOLS DAPAT MAG-SHARE
Nasa higit 24 milyon ang mga estudyante sa bansa na ang mga edad ay nasa lebel ng basic education. Ngunit marami sa kanila ay mga dropout habang higit isang milyon naman ay mga estudyanteng nag-aaral sa mga paaralan na walang kuryente. Nasa halos 6,000 mga paaralan ang mga walang kuryente. Kung makikipagtulungan lamang ang Catholic Schools sa bansa na wala namang binabayarang tax sa mga nagtataasang tuition nila, kahit mga 2,000 mga pampublikong paaralan ay kaya nilang ampunin at sagutin ang kuryente ng mga ito. Ito naman ay mungkahi ko…
Read MoreDUTERTE SA TAUMBAYAN
Kahit pa kaliwa’t kanan ang batikos na tinatamo ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, hayan at may impeachment complaint pa nga, ay nananatiling popular at minamahal siya ng taumbayan. Bakit nga ba? Ano ba ang kinaibahan niya sa mga nakaraang mga pangulo ng bansa? Inobserbahan ko nang maigi kung papaano siya magsalita sa entablado. Mariin, mula sa puso ang mga kataga, may gigil para sa pagbabago at may hudyat ng pagsasakripisyo. Ang dating Pangulong Ferdinand Marcos ay matalino, mahaba ring manalumpati, ngunit ang mga salita ay maaa-ring nagbibigay ng pag-asa, kapos…
Read MoreANG KATURUAN
Kapag may balitang may mga pari na nang-abuso ng mananampalatayang Katoliko e namumuhi ang mga tao. Normal na reaksyon po ‘yan. May mga kakilala akong tao na namolestya ng pari. May isa akong estudyante rin noon na namolestya ng pari. Maaaring nakakalimutan po natin na mga tao rin po sila, katulad natin sila rin po ay may pakiramdam. Ako po ay matagal nang hindi Katoliko ngunit palagay ko ay lubhang na-overestimate kasi ng taumbayan ang mga pari kung kaya’t kapag nagkamali sila ay ganu’n na lamang ang muhi ng mamamayan…
Read More