DEPENSA KAY NOYNOY

FOR THE FLAG

Nangialam na si Noynoy sa kaldero para sa SEA Games. Pwede naman daw maghanap ng mura bakit napunta sa mahal. Nakalimutan lang naman ni Noynoy na P10 bil­yon ang ginastos sa APEC noong panahon niya. May mga nagsabi tuloy na mga komento sa social media na kakaiba itong si Noynoy. Hindi po ganoon, huwag ganoon. Hindi po kakaiba si Noynoy kaya nga kahit nakamasid lang ang mga nasa pamahalaan sa hostage-taking sa Luneta noon ng mga turistang Intsik ay natuloy pa rin sa malungkot na katapusan ang ­ilang oras na negosasyon. Ito ay napanood sa buong mundo.…

Read More

TAGUMPAY VS TERORISMO

FOR THE FLAG

Maiging mapag-aralan ang ugat ng terorismo sa Pilipinas upang nang sa gayon ay malunasan na ito at hindi na muling lumitaw pa sa ating bansa. Ang terorismo ay pandarahas upang makamit ang minimithing karaniwan ay hindi pinaniniwalaan ng mga mamamayan at taliwas sa sangkatauhan. Naging kasangkapan ang terorismo, ang paghahasik ng lagim, upang makamit ang makasariling interes o upang itulak ang baluktot na paniniwala. Tunay na ang karahasan ay natural sa tao. Salat sa katwiran ang mga naghahasik ng terorismo, salat sa dunong ang mga nangdadahas, salat sa pang-unawa ang…

Read More

TAKOT SA DIYOS

FOR THE FLAG

Ang isang bansang walang takot sa Diyos ay nahaharap sa pagkagunaw at kamatayan. Anumang talino ay hindi matatawag na katalinuhan bagkus ay pawang kapalaluan lamang kung hindi nag-uugat sa takot sa Diyos. Lubhang napakahalagang pag-aralan ang takot sa Diyos dahil dito umuusbong ang totoong katalinuhan at kaalaman. Maaaring itrato itong mala-siyensya bagama’t higit sa siyensya. Mismong konsensya ay kinikilala ang Diyos. Napakaraming batas ng Pilipinas at patuloy na lumilikha pa tayo ng napakarami pang batas ngunit paulit-ulit na lamang na ang mga suliranin natin sa pamayanan na resulta ng krimen…

Read More

BATA, BATA TURUAN MO NGA KAMI

FOR THE FLAG

Nasa 25 milyon na ang mga musmos sa buong mundo na ayon sa United Nations ay displaced ng sari-saring mga giyera sa iba’t ibang parte ng daigdig. Samantala, sa Pilipinas, nasa 30,000 hanggang 50,000 na mga musmos ang direktang naaapektuhan taun-taon ng mga bakbakan sa pagitan ng ating mga sundalo at mga grupong katulad ng MILF, MNLF, NPA, Abu Sayyaf at iba pang mga teroristang grupo. Sa mga kalye sa Metro Manila, karaniwan nang nakasasaksi tayo ng mga batang hamog na ang mga lansangan na ang nagsisilbing tahanan nila at…

Read More

BACOOR RECLAMATION PROJECT PARA SA PROGRESO

FOR THE FLAG

Nakapagtataka naman kung bakit ang ingay ng ­ilang grupo laban sa reclamation project sa Bacoor City samantalang para sa progreso ito ng Cavite. Una nang umangal si Sen. Cynthia Villar dito na makaaapekto raw sa kanyang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area Project samantalang wala namang pag-aaral na isinagawa upang ito ang maging konklusyon ng senadora. Maganda sana ang proyektong iyan na gustong pangunahan ng Frabelle at Aboitiz, na tiyak na makikinabang ang mga Caviteño at mga karatig-lugar, ngunit winawasak ng ilang grupo. Ngayon, ang DENR naman ay na-hostage…

Read More

DRUG WAR

FOR THE FLAG

Ang sinasabi ng mga kritiko na lalong bumabaha ang shabu sa bansa ay maling pagtingin. Nahuhuli lamang po ngayon at nababalita ang laki ng volume ng mga nakukumpiskang shabu, hindi katulad noon sa mga nakaraang administrasyon na walang nahuhuli kaya wala ring nababalita. Ito ay dahil na rin sa seryosong pagpapatupad ng administrasyon sa drug war nito na unti-unting lumalagas sa mga masamang elemento sa bansa, kasama na ang mga criminal, pusher at mga drug lord. Katunayan, sumikat ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buong mundo dahil sa kanyang mahigpit…

Read More

DAMING LAMOK, DENGVAXIA?

FOR THE FLAG

Nag-uuulan. Kasama niyan ang pagdami ng lamok sa kapaligiran. May mga kaso na naman ng dengue. Ngayon maaalala rin ng taumbayan kung ano na nga ba ang nangyari sa mga kasong naisampa, isasampa, mga pag-aaral para paghahanda ng mga karagdagang kaso at mga eksaminasyon ukol sa mga biktima ng Dengvaxia. Huwag sanang kalimutan ang pananagutan ni Noynoy kasama ang mga miyembro ng kanyang Dengate Gang ukol sa malinaw na multi-bilyong pisong scam na ito. Tunay naman kasing matining at malinaw ang pananagutan sa pagkakaineksyon sa may 837,000 mga batang Filipino…

Read More

DENGVAXIA, ANO NA?

FOR THE FLAG

Itong panahon na nag-uuulan, hindi maiwasang kabahan ang mga magulang sa pinsalang maaaring dala ng lamok lalung-lalo na ang mga naturukan ng Dengvaxia vaccine. Ano na nga pala ang update ukol dito? Higit na sa 600 na mga batang naturukan ng Dengvaxia ang nangamatay na hinihinalang dahil sa experimental vaccine. Halos pare-pareho ang ipinakitang mga sintomas ng mga biktima bago namatay. Walang pinag-iba ‘yan sa kamakailan ay mga nangamatay dahil sa may lasong milk shake sa Lungsod ng Maynila. Pare-parehong sintomas ang ipinakita ng mga biktima bago nangamatay. Ganyan din…

Read More

ANYARE SA TAX CREDIT SCAM?

FOR THE FLAG

SA aking pagkakaalala, may natisod si Department of Finance (DOF) Sec. Sonny Dominguez na tax credit scam. Ano na ang status ng imbestigasyon? Bilyun-bilyong pisong pera ng taumbayan ang involved dito. What na, secretary? Noong 1999 hanggang 2001, ako’y nagsilbi bilang press consultant sa Philippine Board of Investments (BOI), isang ahensiya ng pamahalaan na naatasang mag-promote ng investment climate sa bansa at humimok ng investors mula sa iba’t ibang nasyon. ‘Yan ding mga panahong ‘yan na nabanggit ko nang ang isa sa suliranin ng BOI ay ang pagkakadawit nito sa…

Read More