MINDANAO

FOR THE FLAG

Namulat na ang mga mata kong likas na may kaguluhan sa Mindanao.  Talaga namang matatapang ang mga tao riyan, masasalamin natin iyan sa kanilang mga epiko, na noon pa man ay mataas ang pag-value ng mga taga-Mindanao sa katapangan. Sa epikong Darangen halimbawa, ang bayani nito na si Bantugen ay sikat sa iba’t ibang kaharian dahil sa mga giyerang pinasok nito at pinanalunan. Hindi lamang mga lalaki, kundi may mga bayani rin tayong kababaihan sa Mindanao na kung makipaglaban sa digmaan ay inaabot ng tatlong araw.  Bawat bundok ay iba’t…

Read More

PARABULA NG MAESTRO

FOR THE FLAG

Sabihin na lang nating may isang panaginip. May tatlong taong naulinigan kong pinag-uusapan ang aking kasama, hindi maganda ang mga salitang namumutawi sa kani-kanilang mga bibig. Hindi ko naawat ang aking kasama, sinita ng kasamang maestro ang tatlong taong siya mismo ang pinag-uusapan. Aalmahan siya ng tatlo kaya buong agap na akin siyang ipinakilala. Kumalma ang tatlo. Na­kilala siya. Umalis kami ng maestro, kasama ang isang musa. Sumakay kami ng bus pa­punta sa isang destinasyon. Nakatayo lamang kaming tatlo sa bus. Maya-maya napansin naming hindi na kumikilos ang bus, mabigat…

Read More

MOTEL

FOR THE FLAG

Minsan sarili mo nang ari-arian ipagkakait pa sa iyo. Ganyan kasaklap ang nararanasan ng mga may-ari ng ilang lupain sa Metro-Manila na naiiskwatan. Kung sino ang may-ari siya pa ang gagastos ng malaking pera mapaalis lamang ang mga nakikinabang sa property na hindi naman kanila. Marami tayong natatanggap na ganyang reklamo, ngunit kakaiba naman ang naisumbong sa atin ng isang mambabasa. Ito naman ay tungkol sa isang matandang nagmamay-ari ng isang gusali sa Siyudad ng Quezon. Ang gusali ay pinauupahan niya ng P500,000 kada buwan sa isang motel. Dahil may…

Read More

MULTO

FOR THE FLAG

Kuwento ng aking nasakyang taxi driver na akmang pang-Halloween. Eto raw ay mismong nangyari sa kanya. Pasado hatinggabi noon, may pumara sa kanyang babae, patungong Kyusi. Hindi na niya napigurahan ang babae, bukod sa nasa kabataan pa umano ito. Nang makarating na sa Kyusi ay pinara ng babae ang taxi sa harap ng isang bahay na bunggalo. Nagpaalam ang babae na akmang kukuha lamang ng pamasahe sa kanyang tinutuluyan, ngunit matagal-tagal na ay hindi pa rin lumalabas sa bahay ang kanyang pasahero. Sa kanyang pagkainip ay kahit makakabulabog sa mga…

Read More

NTC MAAYOS

FOR THE FLAG

Masarap kapag mabuting balita naman ang ating inihahatid sa ating mga suking mambabasa. Nakakatuwa kapag may mga ahensya tayo na maayos na nagseserbisyo sa taumbayan. At sa diwang ating binanggit ay may magandang balita si Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, Jr. na pinapupurihan ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa mabilis na paghahatid ng mga pampublikong serbisyo bilang pagsunod sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018. Sa pamamagitan ng pag-angat sa pampublikong serbisyo, sinabi ni Secretary Rio…

Read More

RAMON ANG: HINDI KO KILALA SI JULIA BARRETTO

FOR THE FLAG

Nilinaw ni business tycoon Ramon Ang na wala siyang relasyon kay Julia Barretto. Lumutang kasi ang ngalan ni Ang, na isa sa Forbes Magazine richest Filipinos, sa ilang print at social media matapos ang umiinit na awayan ng mga Barretto. Maaalalang mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte pa ang umawat sa awayan ng mga naggagandahang mga Barretto sa mismong lamay ng ama ng Barretto sisters. Kanya-kanyang kampihan ang mga Barretto ngunit habang lumalala ang awayan ay nabubulgar ang mga pangalan ng mga naging karelasyon nila. Nag-ugat din ang awayan ng…

Read More

PAGKAKAIBIGAN

FOR THE FLAG

Totoong kaaway ng bansa ang Tsina kung ang pag-uusapan ay ang mga ginagawang reclamation ng dambuhalang bansa sa West Philippine Sea at pangha-harass nito sa mga Filipinong mangi-ngisda, ngunit dapat ding ikonsidera ng bansa na pinaglumaan na ng panahon ang digmaan bilang kasagutan sa mga suliranin ng sibilisasyon. Nagmimistulang batang naghahanap ng kaaway ang Tsina sa parteng ito ng daigdig, samantalang ang Estados Unidos naman ay nagmimistulang tinedyer na handang pumatol sa pagmamaktol ng Tsina. Nasa gitna ang Pilipinas ng dalawang nag-uumpugang bato, mas makabubuting mag-ala-Bernardo Carpio ang bansa gamit…

Read More

HAMON KAY GUINTO NG LTO

FOR THE FLAG

Pinupuri natin si Land Transportation Office (LTO) Law Enforcement Service Acting Director Clarence Guinto sa pagsakote sa may 12 mga umano’y fixer. Ngunit maliliit na mga isda po ito, boss. Bakit hindi sipatin ang tunay na malaking isda na matagal nang namamayagpag sa LTO? Ginoong Guinto, sa kabila ng matinding gigil ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa korapsyon ay hindi niya alintana sa LTO San Juan kung saan patuloy ang pamamayagpag ng sindikato sa loob. Isang nagngangalang Bong ng LTO San Juan ang kumikita ng minimum P100,000 kada araw at…

Read More

FACEBOOK

FOR THE FLAG

Isang namumurong kandidato para pagka-pangulo ng Estados Unidos ang nagbigay ng suhestyon na biyak-biyakin na ang kompanyang Facebook dahil na rin sa hindi ito umano masyadong nare-regulate. Inakusahan ni Democratic presidential candidate Kamala Harris na inuuna ng Facebook ang kanyang paglaki at kita kaysa sa interes at kapakanan ng mga consumer. Dapat umanong tingnan ang Facebook bilang isang public utility na hindi nare-regulate. Maaalalang kamakailan ay binabatikos ang Facebook sa buong mundo dahil sa data sharing feature nito na nagagamit sa pagpapakalat ng hate speech at misinformation. Nabatikos naman ang…

Read More