GRAB MAKIKINABANG SA PAG-ALIS SA MOTOR TAXIS

WALANG ibang makikinabang kapag tuluyang tinanggal sa lansangan ang mga motorcycle taxi kundi ang Grab dahil mawawalan ang mga ito ng kalaban o kakumpitensya. Ito ang pahayag ni Marikina Rep. Estella Quimbo sa press conference ng minority bloc sa Kamara kahapon, Martes, kaya tutol ang mga ito na alisin ang mga motorcycle taxi sa mga lansangan. “Pagdating sa TNVS (transport network vehicle service) isa lang talaga, so may virtual monopoly ang Grab,” ani Quimbo kaya nang dumating ang mga motorcycle taxi ay nagkaroon ng kalaban ang Grab. Magugunita na nagrereklamo…

Read More

MAS MABIGAT NA PARUSA SA GRAB, IGINIIT 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Philippine Competition Commission (PCC) na patawan ng mas mabigat na parusa ang ride-hailing giant na Grab Philippines (Grab PH) dahil sa paulit-ulit na paglabag sa competition rules simula noong 2018. Ginawa ni Gatchalian ang panawagan makaraang mabatid na apat na beses nang pinagmulta ng PCC ang Transport Network Company (TNC) dahil sa isyu ng mataas na singil at service quality  sa loob lamang ng mahigit isang taon na para sa senador ay hindi katanggap-tanggap. Sa rekord, simula nang itake-over ng Grab…

Read More

OPERASYON NG GOJEK PINAAAPRUBAHAN NA SA LTFRB

(NI NOEL ABUEL) UMAPELA ang isang senador sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na agad na aprubahan ang pagpasok ng kumpanyang Gojek para mawala ang monopolasyon ng kumpanyang Grab. Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, chair ng Senate Comittee on Trade and Industry, kung saan hindi na aniya dapat pang magtagal ang LTFRB sa pag-aaral sa akreditasyon ng dayuhang kumpanya. “Ang Gojek, dapat i-approve na kaagad ‘yan para meron tayong choice,” aniya pa. Ngunit may nakikitang balakid umano ang LTFRB dahil sa ang business partner ng Indonesian…

Read More

GRAB GIGISAHIN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) SINUSUBOK umano ng ride hailing transport network na Grab ang pasensya ng kanilang mga pasahero, dahil sa dami ng usaping kinasasangkutan nito. Ito ang galit na pahayag ni Senador Imee Marcos matapos ulanin ng reklamo ang Grab dahil sa lampas-dobleng singil sa pasahe gayong nakipagkasundo ito sa gobyerno na lilimitahan ang fare hike ngayong Disyembre sa 22.5 porsyento lamang. “Monopolisado ng Grab ang ride-hailing service kaya nila nagagawa ito. Dapat maging mapagbantay tayong lahat lalo na ang mga nasa gobyerno at huwag palusutin nang basta na lang…

Read More

KOMISYON AT SURGE CHARGE NG GRAB PINABABAWASAN

(NI BERNARD TAGUINOD) PINABABAWASAN ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Grab ang komisyon ng mga ito sa kanilang mga drivers at maging ang surge charge na ipinapatong ng mga ito sa kanilang mga customers. Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles, masyadong malaki ang kinokolektang komisyon ng Grab sa kanilang mga driver dahil umaabot ito ng 10% hanggang 20%. Nais ng mambabatas na ibaba ito ng 5% upang kumita ang Grab drivers dahil mahirap aniya ang biyahe ngayong panahon ng Pasko dahil sa lumalalang problema ng trapiko.…

Read More

FARE MATRIX NG GRAB, REREBISAHIN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SA GITNA ng mga reklamo ng pagtaas ng singil, iginiit ni Senador Win Gatchalian na rebisahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare matrix ng ride hailing na Grab. Nanawagan din si Gatchalian sa LTFRB na tiyaking nasusunod ang regulasyon sa surge pricing. “The high fare is killing the festive mood of many Filipino commuters. We don’t want to let Grab play the Grinch who stole Christmas from Juan de la Cruz because of high fare,” saad ni Gatchalian. Batay sa fare matrix na…

Read More

LTFRB KINALAMPAG SA MATAAS NA SINGIL NG GRAB

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINALAMPAG ni Senador Imee Marcos ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa samu’t saring reklamo ng mga pasahero ng Grab. Iginiit ni Marcos na hindi tama na dahil nagsosolo ang Grab ay aabusuhin na ang mga pasahero. “Napakahirap naman nito, nakakainis. Sana may ibang pumasok. ‘Yung iba raw binigyan ng permit pero ‘di pa nag-ooperate kaya walang kalaban si Grab,” saad ni Marcos. “The best kung may competition pero i-report natin sa LTFRB kasi sumusobra na sila,” dagdag pa ng senador. “Talagang wala kang…

Read More

MULTA NG GRAB ‘WAG IPASA SA DRIVER PARTNERS — SOLON

(NI ABBY MENDOZA) IPINASISIGURO ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at sa Philippine Competition Commission (PCC) na hindi ipapasa ng Grab sa driver partners nito ang kanilang financial obligations. Ayon kay Nograles, ang multang P23 milyon na ipinataw ng PCC sa Grab, kabilang dito ang P18.4M direct fine at P5 milyon refund dahil sa overcharging sa riders ay dapat solong karguhin ng pamunuan ng Grab. Ani Nograles, libu-libong Grab drivers ang nagbabayad pa ng amortization ng kanilang mga sasakyan at nagrereklamo rin sa…

Read More

PROBLEMA NG TNVS SA LTFRB BUBUSISIIN

grab32

(NI BERNARD TAGUINOD) MAKIKIALAM na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa problema ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naging dahilan ng kanilang strike noong Lunes. Sa House Resolution (HR) No. 43 ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa Kamara, inaatasan ng mga ito ang House committee on transportation na busisiin ang problema ng TNVS sa LTFRB partikular na ang pahirapang pagpapareshistro ng mga ito. Ayon sa nasabing grupo ng mga mambabatas, kailangang makialam na ang mga mambabatas sa problema ng…

Read More