(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY ITOH SON) LUMABAS na kaninang madaling araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Hanna, pero patuloy pa rin ang pag ulan sa bansa dala ng ng hanging Habagat. Mananatiling maulap ang kalangitan na may kasamang pag ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region kasama din ng Central Luzon sa susunod na 24 oras, ayon sa Pagasa. Bagama’t nakalabas na sa PAR ang bagyong Hanna, ay patuloy nitong hinihigop ang hangin mula sa Timog Kanluran na siyang nagdadala ng malakas na pag-ulan sa mga…
Read MoreTag: hanna
1,700 PAMILYA APEKTADO NG BAGYONG HANNA, HABAGAT
(NI AMIHAN SABILLO) PUMALO na sa mahigit 17,000 pamilya o katumbas ng 69,000 indibidwal mula sa 3 rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng Bagyong Hanna at hanging habagat, sakop ang Region 1, Region 3 at MIMAROPA. Sa inilabas na ulat ng NDRRMC, karamihan sa mga pamilyang apektado ay lumikas na sa matataas na lugar habang mahigit 100 na pamilya o katumbas ng mahigit 400 indibidwal naman ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers. Aabot sa mahigit 400 mga lugar ang binaha dulot ng masamang panahon. Maliban sa Region 1,…
Read MoreBAGYONG HANNA LUMAKAS PA, 1 LPA MATUTUNAW
(NI ABBY MENDOZA) NAPANATILI ng bagyong Hanna ang lakas nito habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa tinatahak na ng bagyo ang direksyong patungong Japan subalit bago ito lumabas ng PAR ay magdadala pa ito ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan kaya pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa baha at landslide. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kph, bugso na 230kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Bagamat PAR ang…
Read MoreBAGYONG HANNA LALABAS NG PAR SA BIYERNES
(NI ABBY MENDOZA) LUMAKAS at bumagal ang bagyong Hanna na magdudulot pa rin ng pag-uulan sa Batanes at Babuyan Island, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical, Astronomical, Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa nasa 130 kph ang bilis ng bagyong Hanna at may bugso na 160kph , huli itong namataan 630 km ng Basco, Batanes, hindi pa rin inaasahang maglalandfall at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes. Dala ng paglakas ng bagyo ay patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na paguulan ang Batanes at Babuyan Group of Islands…
Read MoreHANNA LALAKAS PA KAHIT WALANG LANDFALL — PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) ISA nang Severe Tropical Storm ang bagyong Hanna na inaasahang lalakas pa sa loob ng 48-oras subalit hindi pa rin ito inaasahang magla-landfall dahil malayo sa kalupaan. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) halos hindi gumagalaw ang bagyong Hanna na pinalalakas ng hanging habagat kaya nakararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag uulan. Sa monitoring ng Pagasa, hindi magla-landfall ang bagyo kaya walang ibinababang tropical cyclone signals. Ang bagyo ay huling namataan 795 km sa Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 95 kph…
Read MoreHANNA LUMALAKAS, BATANES TINATAHAK
LUMALAKAS ang bagyong Hanna palapit sa Batanes province, kung saan niyanig ng lindol noong nakaraang linggo, ayon sa weather bureau. Bandang alas-3:00 ng madaling araw, si Hanna ay nasa 940 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan, bitbit ang maximum sustained winds na 75 kilometers per hour at 90 kph na pagbugso, ayon sa Pagasa. Sa loob umano ng 72-oras, sinabi ni Pagasa weather specialist Ariel Rojas na magiging bagyo na ito sa 575 kilometers east northeast ng Batanes. Palalakasin ni Hanna ang habagat o southwest monsoon kung saan magbibigay ito…
Read MoreHABAGAT MAGPAPATULOY DAHIL KAY ‘HANNA’
MAGPAPATULOY sa pag-ulan dulot ng habagat gayundin sa pamumuno ng bagyong ‘Hanna’ sa Luzon. Gayunman, hindi tatama sa lupa ang bagyo at ang ulan na nararanasan sa ilang bahagi ng Luzon ay dulot lamang ng habagat, ayon sa weather bureau Linggo ng umaga. Sinabi ng Pagasa na si ‘Hanna’ ay namataan sa 1,095 kilometers east ng Infanta, Quezon, na may lakas ng hangin na 55 km per hour (kph) at pagbugso na 70 kph. Tinatayang lalabas ito ng bansa sa Biyernes habang patuloy na kumikilos sa west northwest sa 15…
Read More