(NI ABBY MENDOZA) TINAWAG na “alarming” ni Iloilo Rep Julienne Baronda ang naging findings ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa isinagawa nitong imbestigasyon sa reklamo laban sa distribution utility na Panay Electric Co. (PECO). Ayon kay Baronda, pinatutunayan ng naging resulta ng imbestigasyon ng ERC na tama at may batayan ang inihaing reklamo laban sa PECO ni Iloilo Mayor Jerry Treñas na nagpasaklolo na sa Malacanang at ERC matapos ang nakaaalarma at hindi na ordinaryo na siyam na magkakasunod na sunog sa poste ng electric company noong nakaraang buwan. Gayundin…
Read MoreTag: Iloilo
KINATAY NI DRILON NA P2.5 SA SEAG FUND INIUWI SA ILOILO — SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) IBINUNYAG ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo sa interpelasyon ni 1SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta na nailipit ni Senador Franklin Drilon sa Iloilo ang malaking bahagi ng tinanggal ng senador sa budget ng SEA games. Magugunita na P7.5 ang inirekomendang budget ng SEA Games subalit P5 Billion lamang ang naaprubahan matapos itong kuwestiyonin ni Drilon kaya nabawasan ng P2.5 Billion. “Sagot nyo kanina na yung nawala, yung halagang nawala sa budget na yun, parang lumitaw sa isang lugar…may binanggit kayo kanina, puwede pang ulitin nyo,” ani Marcoleta. “Inilipat…
Read MoreTEACHER NAGPANOOD NG PORN SA STUDENTS; DEPED KIKILOS
(NI KIKO CUETO) INIIMBESTIGAHAN ng Department of Education (DepEd) sa Iloilo ang isang insidente na umano’y nagpalabas ng isang pornographic video ang isang guro sa kanyang Grade 10 students. Ayon sa report, bahagi ito ng sex education. Ang population growth at unwanted teenage pregnancy ang siyang karaniwang tinatalakay sa sex education bukod sa maaring mga sakit na makukuha ditto. Pero ang isang guro sa isang national high school sa Ajuy town, Iloilo ay nagpakita ng pornographic video. Kinumpirma naman ito ng mga estudyante na present nang ito ay ipalabas. Nakarating…
Read MoreOPERASYON NG MOTOR BANCA SA GUIMARAS-ILOILO SINUSPINDE
(NI HARVEY PEREZ) PANSAMANTALANG ipinatigil ng Maritime Industry Authority (Marina), ang operasyon ng mga pampasaherong motor banca na may rutang Iloilo-Guimaras kasunod ng paglubog ng tatlong motor bancas sa Iloilo Strait na nagresulta ng pagkamatay ng 25 katao noong Sabado. Ayon sa Marina, magsasagawa muna ng assessment sa safety condition ng mga pumapasadang MB sa naturang ruta saka magdedesisyon kung papayagan na silang mamasadang muli. Magpapalagay naman ang Marina ng dalawang Roll-on / Roll-off vessels para masakyan ng mga mamamayan sa Iloilo-Guimaras route para hindi naman maapektuhan ang pangangailangan sa transportasyon ng…
Read More5 GURO SA SEA TRAGEDY AAYUDAHAN NG DEPED
(NI KEVIN COLLANTES) NAGLULUKSA ngayon ang Department of Education (DepEd) dahil sa pagkamatay ng limang guro mula sa Western Visayas Region, na nakabilang sa paglubog ng tatlong motorboat sa Iloilo-Guimaras Strait nitong Agosto 4. Ayon sa DepEd, labis nilang ikinalulungkot ang nangyari sa mga guro at nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima. Tiniyak rin naman ng DepEd na pagkakalooban ng kaukulang tulong ang mga biktima at kanilang mga kaanak. “Finally, the Department expresses its wholehearted commitment and calls on its field offices, partners, and stakeholders to ensure…
Read More8 TEACHERS KASAMA SA SEA TRAGEDY
(NI BERNARD TAGUINOD) NAGLULUKSA ang organisasyon ng mga public school teachers sa Kamara dahil walo umano sa mga kasamahan sa hanapbuhay ang kasama sa mga 31 katao na namatay na lumubog ang bangka ng mga ito sa Guimaras at Iloilo Strait. “We extend our deepest condolences to the families and friends of the victims in the Iloilo Strait pumpboat accidents,” ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list Rep. France Castro. Nabatid kay Castro na kasama sa mga nasawi sina George Betita Buenavista, guro sa Agcuyawan Calsada Elementary School, Maria Emilie Legarda, Ivy Grace…
Read MoreILOILO MAYOR KULONG SA GRAFT
(NI ANNIE PINEDA) HINATULAN ng pagkakakulong ng Sandiganbayan ang isang alkalde matapos mapatunayang guilty sa dalawang bilang ng kasong graft sa Iloilo City. Si Dingle, Iloilo Mayor Rufino Palabrica, ay nakitaan ng sapat na basehan nang sampahan ng graft ng Office of the Ombudsman. Batay sa desisyong ipinalabas ng Sandiganbayan Special Sixth Division, napatunayan na guilty si Palabrica sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 3 (h) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Nahatulan si Palabrica ng anim hanggang walong taon sa bawat bilang ng kaso…
Read More16 BAYAN SA ILOILO INILAGAY SA COMELEC HOT SPOT
(NI HARVEY PEREZ) MAY 16 na bayan sa Iloilo City ang inilagay ng Commission on Elections (Comelec) sa “hot spots” sa darating na national and local elections sa Mayo 13. Nabatid kay Atty. Roberto Salazar, provincial Comelec supervisor sa Iloilo, base sa kanilang record, tatlong bayan ang nasa red category; siyam ang nasa orange category at apat sa yellow category. Nabatid na ang “yellow category” ay nangangahulugan na may matinding political rivalry, may presensiya ng private armed groups, may insidente ng election-related violation sa nakalipas na halalan at may presensiya…
Read More‘DOBLE PLAKA’ LAW SUSUSPENDIHIN NI DU30
SUSUSPENDIHIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nag-uutos sa mas malaking license plate sa harap at likod ng mga motorsiklo. Nilagdaan noong nakaraang buwan ng Pangulo ang Motorcyle Crime Prevention Act na iniakda ni Senador Richard Gordon na naglalayong maiwasan ang krimen sa pagkakaroon ng malaking plaka para mas madaling mabasa sa malayo. Gayunman, libong motorcycle riders ang kumontra sa batas sa pangambang makasagabal ito sa pagmamaneho o posibleng matanggal kapag mabilis ang takbo ng motorsiklo. Sinabi ng Pangulo na makikipagpulong siya kay Gordon at sa Land Transportation Office…
Read More