KAALAMAN NG PUBLIKO SA ML, KULANG — IMEE

imee66

(NI DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Imee Marcos na kasalanan din ng kanilang pamilya kung may kakulangan sa kaalaman ngayon hinggil sa Martial Law. Ang pag-amin ni Marcos ay kasunod ng kanyang pagpabor sa pagtuturo ng Martial Law sa University of the Philippines. “Karapatan naman ng UP, yan may academic freedom naman talaga,” saad ni Marcos. “Maganda rin na pinag-aaralan…At least sana bigyan din kami ng pagkakataon na sabihin kung ano ang pagkaalam namin sa nangyari. Importante dun na may view points ng bawat isa at maririnig ang bawat isa,”…

Read More

TARIPA SA IMPORTED NA BIGAS IGINIIT

imee marcos23

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAGREKOMENDA ng ilang hakbangin si Senador Imee Marcos sa gobyerno upang maagapan ang pagpapanic ng mga local rice farmers dahil sa bumabahang imported na bigas na posibleng magbagsak sa presyo ng palay sa bansa kahit na magsisimula na ang anihan ngayong buwan. Sinabi ni Marcos na bumaba na ng 41.6% ang investment ng mga magsasaka noong Agosto sa gitna ng pagbaba ng farmgate price ng palay sa P7 kada kilo, kumpara sa kanilang production cost na P12. “Let’s not exaggerate that the situation of our rice farmers…

Read More

PULIS, MILITAR SA UNIBERSIDAD, TINUTULAN

imee marcos23

(NI NOEL ABUEL) MARIIN ang pagtutol ni Senador Imee Marcos sa panukalang magtalaga ng mga pulis at militar sa loob ng mga unibersidad bilang hakbang para mapigilan ang patuloy at lumalakas na recruitment ng mga makakaliwang grupo sa hanay ng mga kabataang estudyante. Sinabi ito ng senador kasabay ng pagsasabing higit lamang lalakas ang recruitment ng mga grupong makakaliwa kung itutuloy ng pamahalaan ang plano nitong bantayan ng mga pulis at militar ang mga aktibidad ng mga estudyante sa loob ng mga paaralan. “Ano ‘yan garison?! Tiyak na ang daming…

Read More

PAGLIBAN NG BRGY, SK ELECTIONS OK SA SENADO

imee66

(NI NOEL ABUEL / Photo by DANNY BACOLOD) NANGANGANIB na tuluyan nang maipagpaliban ang nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa 2020. Sinabi ito ni Senador Imee Marcos,  sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation joint with Local Government and Finance, kung saan nagkasundo umano ang mga miyembro nito na ipagpaliban sa ibang taon ang eleksyon ng barangay at SK at tanging ang pinatatalunan na lamang ay ang petsa kung kailan ito isasagawa. “Hindi pa nagkakasundo sa date, mukhang lahat sang-ayon na i-postpone ang barangay at SK…

Read More

LIBRENG MEDICAL INSURANCE SA ROTC ISUSULONG

imee66

(NI NOEL ABUEL) KUMPIYANSA  si Senador Imee Marcos na maraming estudyante ang makukumbinsing pumasok sa Reserve Officer Training Course (ROTC) dahil sa maraming benepisyo na nakapaloob dito. Sinabi ng senador na nakahihikayat sa mga college student ang kanyang panukala na pumasok sa ROTC dahil sa unang pagkakataon, mabibigyan ang mga ito ng libreng medical insurance at iba pang benepisyo. Habang ang mga magiging ROTC officers ay makatatanggap ng cash stipend. Ang mahalaga anya, makakukuha ng interes sa mga college student ang ROTC tulad ng pag-recruit sa Amerika. Paglilinaw pa ni…

Read More

KADIWA STORE BUBUHAYIN

(NI NOEL ABUEL) NAIS buhayin ni Senador Imee Marcos ang Kadiwa store sa Kamaynilaan na naglalayong matugunan ang kumakalam na sikmura ng mahihirap na pamilya dahil sa problema sa mataas na presyo ng bilihin. Kasabay nito, nanawagan si Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang Kadiwa store, na nakilala noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Aniya, ang konsepto ng Kadiwa ay unang ginamit sa panahon ng administrasyong Marcos, isang paraan para matugunan ang problema sa mataas na presyo ng pangunahing bilihin Sinabi ng senadora na sa kabila ng…

Read More

NUTRIBISKWIT BUBUHAYIN VS ‘CHILD ZOMBIES’

mal44

(NI NOEL ABUEL) BUBUHAYIN ni Senador Imee Marcos ang nutribiskwit na kahalintulad ng nutribun na ipinakakain sa mga estudyanteng nasa grade school noong dekada ’70. Ayon kay Senador Imee Marcos nababahala ito sa dumaraming bilang ng tinatawag na ‘Child Zombies’ o mga batang hindi na lumalaki ang utak at underweight. Aniya, base sa pag-aaral ng Child nutrition research, 1/3 ng mga bata sa bansa ang bansot o maliit  kung saan 95 bata ang namamatay kada araw dahil sa malnutrisyon habang 27 sa bawat 1,000 bata ang hindi na umabot ng…

Read More

DIPLOMATIC TIES NG PINAS SA ICELAND DAPAT NANG PUTULIN

immee88

(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Imee Marcos sa pamahalaan na agad na layasan at putulin na ang ugnayan sa bansang Iceland kaugnay ng inilabas na resolusyon ng United Nation Human Rights Council (UNHRC). Ayon kay Marcos dapat nang putulin ng pamahalaan ang diplomatic ties sa nasabing bansa dahil sa panghihimasok nito sa pamahalaan. “A strong statement is in order that the values and political agenda of other countries, many of them developed countries like Iceland, cannot be imposed on an independent country like the Philippines,” ani Marcos sa pagsasabing…

Read More

VAT EXEMPT SA LAHAT NG GAMOT ISUSULONG

imee marcos23

(NI NOEL ABUEL) ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos na mailibre sa buwis ang lahat ng gamot para makatulong nang malaki sa publiko na magamit ang matitipid sa pagkain at iba pang pangangailangan. Ayon kay Marcos, naniniwala itong hindi lang dapat ang mga maintenance medicine para sa mga sakit na diabetes, high cholesterol, at hypertension ang mailibre sa buwis kung hindi ang lahat nang mga gamot. “With food making up 70 percent of the poor man’s budget, Marcos also proposed to earmark VAT proceeds specifically for food vouchers and welfare programs,”…

Read More